Suspek GAME OVER–HINDI akalain ng 49-anyos na lalaki na matutunton siya sa kanyang kinaroroonan sa Calapan City, Mindoro Oriental makaraang magtago ng 14 na taon dahil sa kasong panghahalay.

Rape suspek tiklo after 14-yr hide-and-seek

October 9, 2023 Jonjon Reyes 186 views

TIMBOG sa mga pulis ng Manila Police District (MPD) ang isang 49-anyos na lalaking suspek sa panghahalay sa Calapan City, Oriental Mindoro noong Biyernes makaraang magtago ng 14 na taon.

Nakilala ang suspek na alyas Abe, may asawa, ng Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro at naninirahan sa San Andres, Bauan, Batangas.

Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., hepe ng Directorate for Investigation and Detective Management Division (DIDMD) ng Manila Police District, bandang 6:00 ng gabi nang arestuhin si Abe sa Barangay Camilmil.

Inaresto ang suspek dahil sa direktiba ni Police Colonel Roderico Roy, MPD Deputy District Director for Operation.

Pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Donald Panaligan kasama sina Police Staff Sergeant Marlon Dee, Police Staff Sergeant Julius Dela Cruz at ang puwersa ng Calapan City Police sa pangunguna ni Police Chief Master Sergeant Romeo Pasajol ng Warrant Section ng Calapan City Police Station ang pag aresto sa suspek.

Bago dalhin sa MPD headquarters ang akusado, kinilala muna ito ni PLt. Col. Danilo Driz Jr., officer-in-charge ng Calapan Police Station.

AUTHOR PROFILE