Default Thumbnail

R4, CL, MM niyugyog ng 5.7 magnitude lindol

September 27, 2021 Jun I. Legaspi 379 views

YINUGYUG ng magnitude 5.7 na lindol ang malaking bahagi ng Region 4, Central Luzon at Metro Manila, Monday, ayon sa Philippines Institute of Volcanology and Seismology.

Sa official report ng agency ang sentro ng lindol ay tumama bandang 1:22 a.m. sa Looc, Occidental Mindoro.

Ayon pa sa agency, tectonic ang origin ng lindol at ang lalim sa lupa ay 74 kilometers.

Agad nagbabala ang agency sa mga posibleng aftershocks kaya’t mariing pinag-iingat ang mga residente sa mga lugar na tinamaan ng lindol.

Ayon sa Philvocs, patuloy pa sa pangangalap ng mga information ang kanilang mga personnel kung may mga nasaktan o na damage na mga property.

Dahil sa lakas ng lindol, naramdaman ang Intensity IV sa mga lugar ng Calatagan, Lian, Lipa City, Malvar and Nasugbu, Batangas; Malolos City at Obando, sa Bulacan; Cavite City, General Trias, Naic, Amadeo, Bacoor, Dasmarinas, Tagaytay City at Tanza, Cavite; Binan, Cabuyao, Laguna; Las Pinas City; Malabon City; Mandaluyong City; Marikina City; Muntinlupa City; Paranaque City; San Juan City; Taguig City; Pateros, Metro Manila; Abra De Ilog, Looc, Lubang and Mamburao, Occidental Mindoro; Baco, Naujan and Puerto Galera, Oriental Mindoro; San Mateo at Taytay, Rizal.

Intensity III naman ang naramdaman sa Santo Tomas, Batangas; Makati City, Pasay City, Pasig City, Quezon City; Valenzuela City; Santa Cruz, Occidental Mindoro; Antipolo City; Socorro, Oriental Mindoro. Intensity II sa mga lugar ng Los Banos, Laguna; Palayan City.

Intensity I sa Arayat, Pampanga, Nueva Ecija, Cabanatuan, Dagupan, at Pangasinan, sa Central Luzon.

Ayon sa Phivolcs, patuloy ang pagmomonitor ng kanilang mga personnel sa frontline at maging sa Central Office upang mabilis na makapagbigay ng babala sa publiko.

AUTHOR PROFILE