Default Thumbnail

Quarantine, immigration requirement para sa mga galing sa ibang bansa pag-iisahin

December 2, 2022 People's Tonight 324 views

UPANG mabawasan ang prosesong dinaraanan ng mga dumarating sa bansa, pag-iisahin na ang quarantine at immigration requirement.

Inilungsad ng gobyerno ang eTravel platform, isang online registration system para sa dayuhan na pupunta sa Pilipinas at mga balikbayan.

Ang Health Declaration Checklist ng Department of Health-Bureau of Quarantine ay makikita sa etravel.gov.ph.

Ang mga pasahero na pumupunta sa dating ginagamit na www.onehealthpass.com.ph ay mapupunta sa domanin ng eTravel.

Ang eTravel platform ang electronic version ng Arrival Card o papel na pinasasagutan sa mga dumarating sa bansa para a immigration clearance.

Simula sa Disyembre 5 ay ititigil na ang Bureau of Immigration ang pagpapasagot ng papel na Arrival Card. Lahat ng darating sa bansa ay magbibigay ng mga kinakailangang impormasyon sa pamamagitan ng eTravel portal.

Walang bayad ang pagrerehistro sa eTravel portal na joint initiative ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Bureau of Immigration (BI), Bureau of Quarantine (BOQ), Bureau of Customs (BOC), Department of Tourism (DOT), Department of Health (DOH), Department of Justice (DOJ), at Department of Transportation (DOTr).

AUTHOR PROFILE