Pulis na ‘tumili’ sa TikTok ‘lagot’
PNA – BINALAAN ni Police Regional Office 7 (Central Visayas) Chief Roque Eduardo Vega ang mga miyembro ng kapulisan na haharapin nila ang karampatang kaparusahan kapag mapapatunayang lumabag sila sa mga regulasyon ng TikTok.
Ibinigay ni Vega ang kanyang mensahe para idiin ang kanyang posisyon sa mga pulis na gumagamit at nagpo-post ng TikTok videos habang naka-uniporme at naka-duty. Binanggit din niya ang direktiba ng Philippine National Police (PNP) na ipinagbabawal ang pag-post ng maiikling video sa social media.
“As police officers, we follow orders and directives. The PNP emphasizes the projection of a good image by wearing a proper uniform during the performance of (their) duty,” ani Vega sa isang pahayag na ipinalabas Biyernes ng gabi.
Ang pahayag ni Vega ay ipinalabas matapos ang isang pulis na naka-assign sa Lanao Sur Police ay humaharap sa isang “pre-charge investigation” dahil umano sa paglabag ng mga direktiba ng TikTok.
Ipinag-utos ni PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. ang imbestigasyon matapos mag-post ang nasabing pulis ng nakakatawang video niya na nag-viral sa social media.
Hinikayat ni Vega na respetuhin ng mga pulis ang uniporme.
“The uniform symbolizes pride, respect, and authority. It projects a positive and professional image vital to us police officers in front-line units and operations and to the public we serve and protect,” ani Vega.
Sinang-ayunan naman ni Cebu Provincial Police Chief Engelbert Soriano ang direktiba ni Vega at sinabing di dapat gumawa ang mga pulis ng mga bagay na makasisira sa imahe ng police force.