Marya

Prodyuser ng pelikula nina Maricel at Dick optimistic

November 21, 2023 Aster Amoyo 192 views

ANG successful businesswoman, record, concert and movie producer na si Flor Santos ang producer ng family drama movie na “In His Mother’s Eyes” kung saan tampok na mga bituin sina Maricel Soriano, Roderick Paulate at LA Santos at kung saan din kasama sina Ruby Ruiz, Maila Gumila, Ogie Diaz, Vivoree Esclito at iba pa pa. Ito’y movie directorial debut ng mahusay na TV drama series director at mister ng actress na si Rita Avila na si F.M. Reyes. Siya rin ang nasa likod ng maraming hit teleserye ng ABS-CBN at kasama na rito ang dalawang tumatakbong serye ng Kapamilya network, ang “Linlang” (kung saan kasama rin sina Maricel Soriano at Ruby Ruiz) at “Nag-aapoy na Damdamin”.

The movie was first intended for the Metro Manila Summer Film Festival pero hindi ito pinalad na makapasok. The movie was also submitted for the 42nd Metro Manila Film Festival along with over 30 films pero hindi na naman ito napili.

Hindi ikinakaila ng bagong movie producer ng 7K Entertainment na nakaramdam umano siya ng depression dahil she knows in her heart na napakaganda ng kanilang pelikula para ma-ignore ng selection committee. Pero nangibabaw pa rin sa kanya ang kanyang pagiging positibong tao at naniniwala siya na may purpose kung bakit hindi nakalusot ang “In His Mother’s Eyes” sa panlasa ng mga hurado.

Naisip ni Flor na hindi lamang ang kanilang pelikula ang hindi pinalad sa 2023 MMFF kundi marami pang ibang magagandang pelikula at kasama na rito ang dalawang pelikula na pinagbibidahan ng superstar na si Nora Aunor, ang “Pieta” at “Mananambal” maging ang successful film franchise na “Shake, Rattle & Roll Extreme” ng Regal Films ay hindi rin napili.

Sa darating na November 29 ay matutunghayan na sa mga sinehan ang “In His Mother’s Eyes” nina Maricel, Roderick at LA na magsisilbi ring reunion movie ng mag-best friends na Maria at Dick na maraming beses na ring nagsama sa pelikula in the past tulad ng “”Jack en Popoy,” “Gorio en Tekla,” “Inday, Inday sa Balitaw” at iba pa.

Ang pelikulang “In His Mother’s Eyes” ay kuwento ng isang mapagmahal at nagsakripisyong ina, anak na may special needs at kapatid na siyang nag-alaga at tumayong magulang ng kanyang pamangkin na nangangailangan ng special attention. A moving family drama movie, ito’y kuwento na nangyayari sa totoong buhay.

Inamin ni LA Santos na very challenging ang kanyang role na talagang ni-research niya ang papel na kanyang ginampanan, talked to several mothers na may mga anak with autism at inilagay niya ang kanyang sarili in that character.

Bukod sa kanyang very challenging role, it was an honor working with the Diamond Star at si Dick (Roderick), the director (F.M. Reyes) and the rest of the cast.

“This is one movie na hinding-hindi ko po makakalimutan,” pahayag ng singer-actor na si LA na sumailalim ng one-on-one acting workshop for his role in the film with award-winning veteran actress na si Ruby Ruiz.

Abogadong takbuhan ng bayan

HeyzHeyz1PARA sa mga kababayan natin na hindi kayang magbayad ng kanilang mga abogado for legal assistance ay meron na silang matatakbuhan sa pamamagitan ni “Atty. Heyz: Abogado ng Bayan,” isang public service program na matutunghayan sa PTV-4 tuwing araw ng Sabado, 10:30 a.m. to 11:30 a.m. produced by Velvet Media Productions.

Ang “Atty. Heyz: Abogado ng Bayan” ay nagsimula sa pamamagitan ng Facebook Live” na siyang naging daan na ito’y i-produce ng Velvet Media Productions at ilagay ito sa telebisyon.

Isang mahusay na trial and litigation lawyer at isa ring law professor sa isang kilalang Universidad si Atty. Heyz na naging adbokasiya na ang pagtulong sa mga taong nangangailangan ng legal advise and assistance.

Ang unang guest ng “Atty. Heyz: Abogado ng Bayan” ay ang actress-entrepreneur at ex-wife ng actor-comedian at TV host na si Vhong Navarro na si Bianca Lapus.

Simon iniwan ang lahat sa Canada para mag-artista

TAONG 1997 nang pasukin ng actor na si Simon Ibarra ang mundo ng showbiz.

“Hindi ko kailanman pinangarap na magiging artista ako balang araw,” pagbabalik-tanaw ni Simon sa aming panayam sa kanya sa aming online show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

Rogelio Matira in real life, Simon’s screen name na Simon Ibarra was given to him ng producer-director na si William Pascual when he did his first film, ang sexy movie na “Masarap ang Unang Kagat” kung saan niya nakapareha sina Karla Estrada at Sabrina M.

Simon was already in college when his family migrated to Canada where he started working as a dish washer, banquet staff, waiter and bar tender. While he was already earning his own money, he got himself a rented apartment at may hinuhulugan din siyang sasakyan.

Since walang dalang school documents si Simon sa Canada, bumalik siya sa pag-aaral doon ng Grade 11 and 12 kaya dalawang beses umano siyang grumadweyt ng high school. Isa sa Pilipinas at isa sa Canada.

Just when he intended to pursue college in Canada, he was convinced to join “Mr. Body Shot” in Canada in 1996 and won the title. Since meron na ring “Mr. Body Shots” contest noon sa Pilipinas, he was prodded to give it a try in the Philippines kaya umuwi siya ng Pilipinas at iniwan ang kanyang trabaho, apartment at sasakyan.

Kasama sa mga tamayong hurado ng “Mr Body Shot – Canada” ay ang talent manager na si Ed Instrella at dalawa sa mga alaga nitong actors sina Cherrie Pie Picache at Gardo Versoza. Ed gave Simon his number just in case na bumalik ito ng Pilipinas.

When Simon decided to return to the Philippines, his intention was to join “Mr. Body Shot – Philippines” in 1997, pero sa halip na sumali siya sa men’s pageant ay napunta siya sa pelikula na kanyang sinimulan sa sexy movie na “Masarap ang Unang Kagat” which was released in 1998. Magmula noon ay tuluy-tuloy na ang kanyang pagiging actor at hindi na niya inisip na balikan ang kanyang trabaho at buhay sa Canada.

Dahil dito, tinawagan siya ng kanyang ina dahil naka-leave lamang siya sa kanyang trabaho in Canada at may binabayaran siyang apartment at sasakyan. Pero sa halip na bumalik siya ng Canada at magpaalam nang maayos sa kanyang work at ayusin ang kanyang apartment at monthly mortgage ng kanyang sasakyan, hinayaan na niya ito dahil nagi-enjoy na umano siya sa kanyang trabaho sa Pilipinas bilang actor sa tulong ng kanyang manager na si Ed Instrella. Nakatrabaho rin niya ang Diamond Star na si Maricel Soriano in “Soltera” ang pelikulang “Live Show” ang nakapagbigay sa kanya ng kanyang Best Supporting Actor nomination sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino nung taong 2000.

Ito ang naging simula ng kanyang pagiging in-demand actor hindi lamang sa pelikula kundi maging sa mga TV series where really started to shine bilang isang mahusay na character actor. Naging isa siya sa paborito ng ABS-CBN. Kasama siya sa mga hit TV series tulad ng “Tayong Dalawa,” “My Binondo Girl,” “Maria Mercedez,” “Ikaw Lamang,” “Starla,” “Ang Iyo ay Akin,” “FPJ’s Ang Probinsyano” at iba pa. May tumatakbo siya ngayong dalawang magkahiwalay na serye, ang primetime series na “Black Rider” ng GMA at ang “Nag-aapoy na Damdamin” sa ABS-CBN afternoon slot. Kasama rin siya sa family drama movie na “Unspoken Letters” na matutunghayan na ngayong December 13, 2023.

Unknown to many, si Simon ay isang family man, married to a lawyer na kanyang high school sweetheart na si Rowena and they have three beautiful daughters na ang panganay is currently taking up her masteral degree, graduating naman ang pangalawa taking up Legal Management habang nasa kolehiyo din ang kanyang bunsong anak.

Tulad ng ibang couple, hindi rin umano naiiba ang mag-asawang Simon at Rowena pero anuman ang hindi nila pagkakaunawan ay agad nila ito nire-sesolba at hindi nila ito tinutulugan na hindi sila magkaayos.

Sina Simon at Rowena ay dalawang beses ikinasal, una sa isang civil wedding in October 1997 na sinundan ng kanilang church wedding in January 1998 and they have been together for 26 years.

Simon also shared na nagkaroon umano siya ng ibang nakarelasyon nang siya’y magtungo ng Canada but reconciled sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas in 1997 na nauwi sa kanilang pagpapakasal months later.

“Nung muli kaming magkita, ayaw na naming maghiwalay,” kuwento pa ni Simon.

Kilalang businesswoman binura na ang ugnayan sa sikat na endorser

HINDI ikinakaila ng isang kilala at successful businesswoman ang kanyang disapapointment sa isa sa kanilang prime brand ambassadors ng kanilang produkto dahil sa pagiging insensitive nito by signing up and becoming a brand ambassador ng isang competing brand.

Sa kabila ng malaking TF, pag-aalaga, pagpapa-pamper sa kilalang brand ambassador at mahigit limang taon nilang relasyon bilang magkaibigan ay binalewala umano ito ng kilalang brand ambassador.

Ang ikinalulungkot lamang ng kilalang businesswoman ay ang kawalang respeto at pagpapahalaga ng popular brand ambassador sa kanilang pinagsamahan. Dahil dito ay tuluyan nang tinanggal at binura ng successful entrepreneur ang anumang ugnayan sa kanya ng popular brand ambassador na itinuring niyang kapatid at kapamilya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X (dating Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE