Maid

Poster ng ‘Maid in Malacañang,’ hango sa Marcos family portrait

June 23, 2022 Ian F. Fariñas 3265 views

Maid1

IBINALANDRA na ni Direk Darryl Yap sa kanyang social media account ang opisyal na poster ng controversial upcoming movie niya na Maid in Malacañang na produced by Viva Films at VinCentiments.

Ang poster ay hango umano sa Marcos family portrait ng American portrait artist na si Ralph Wolfe Cowan. Ito ay kinunan ni Maverick Manalang mula naman sa artwork na ginawa ni Luiz Clet.

Inanunsiyo rin ni Direk Darryl na ang trailer ng kanyang 13th project sa Viva ay ipapalabas sa July 7, 7 p.m. (7.7.7.).

Abala na rin ang Maid in Malacañang costume designers na sina Joel MV Bilbao at Avel Bacudio sa pagdidisenyo at pananahi ng ’80s outfits ng cast members.

Siyempre, labis ang pasasalamat ni Direk Darryl sa kanyang “manang” na si Senator Imee Marcos, sa Viva bosses at mga kasamahan sa VinCentiments.

Minention din niya ang mga artistang sumugal sa pagtanggap sa mga natatanging papel ng dating First Family na sina Cesar Montano (former Pres. Ferdinand Marcos), Ruffa Gutierrez (former First Lady Imelda Marcos), Cristine Reyes (Sen. Imee), Diego Loyzaga (President-elect Bongbong Marcos), Ella Cruz (Irene Marcos) at ang tatlong maids na sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo.

Inihandog naman ng direktor ang proyekto sa kanyang followers at bashers na, aniya, ay lagi niyang paglalaanan ng oras kahit pa “nagpapagawa ako ng bahay sa Olongapo since December, nangampanya at nagpaparenovate ng 2 condo, gumagawa ng pelikula ngayon at isang TVC pero make no mistake; may oras ako para sa bashers.”

AUTHOR PROFILE