AJ

AJ buntis, Aljur ang itinuturong ama

June 23, 2022 Aster Amoyo 214 views

ANG Viva sexy star na si AJ Raval ang itinuturing na Vivamax Queen, pero marami sa kanyang mga kasamahan sa bakuran ng Viva ang nakaabang sa kanyang trono.

Lalo na ngayon na ito’y napapabalitang nagdadalang-tao at ang itinuturong ama ay ang actor at ex-husband ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica.

Si AJ ay isa sa 18 anak ng dating OctoArts action star na si Jeric Raval sa iba’t ibang babae. Ang ina ng sexy star ay ang dating sexy actress na si Alyssa Alvarez.

Si AJ ang original choice para sa movie remake ng “Scorpio Nights 3” na unang pinagbidahan ni Anna Marie Gutierrez at dinirek ng yumaong si Peque Gallaga in 1985 habang ang “Scorpio Nights 2” ay pinangunahan ni Joyce Jimenez at pinamahalaan naman ni Erik Matti.

Nang malaman umano ng Viva na buntis si AJ, she was pulled out from the project at ibinigay ang role kay Christine Bermas at si Lawrence Fajardo ang director. Marami pa umanong ibang project na naka-line up for AJ ang nawala sa kanya at inilipat sa iba’t ibang contract sexy stars ng kumpanya.

Marami siyempre ang nanghinayang kay AJ at sa kanyang career dahilbukod sa siya ang reyna ng Vivamax streaming app, kabi-kabila ang kanyang projects na ginagawa at sisimulan pa lamang at ang mga ito ay nawala lahat sa kanya.

Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan ni AJ includes “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar,” “Death of A Girlfriend,” “Iskandalo,” “Hugas,” “Taya” at iba pa.

Samantala, ang ipinagbubuntis ngayon ni AJ ay magiging second child na pala niya. May anak na rin umano ang sexy star sa dati nitong naka-relasyon noon.

Gladys

Gladys at Christopher kahanga-hanga ang tagal ng pagsasama

BIHIRA sa mga celebrity couple ang tumatagal ang pagsasama bilang mag-asawa.

Isa sa mga exception ay ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas (Jean Christophe Sommereux in real life) na 18 years na bilangmag-asawa at 29 years kung isasama ang kanilang 11 years bilang magkasintahan.

Sina Gladys at Christopher ay unang nagkalapit sa isa’t isa sa set ng dating teleserye ng ABS-CBN, ang “Mara Clara” na pinagbidahan mismo ng mag-best friends at magkumare na sina Judy Ann Santos at Gladys in 1992 na tumagal sa ere hanggang 1997.

Fourteen years old pa lamang noon si Gladys at twelve naman si Christopher.

Sa umpisa, it was just puppy love sa dalawa dahil pareho pa silang mga bata at kasama nila parati ang kanilang respective moms. Pero hindi inakala ng dalawa na silang dalawa ang magkakatuluyan dahil nung magkasintahan pa lamang sila ay nagkahiwalay sila sa loob ng isang buwan at kalahati. Pero kalaunan ay nagkabalikan din sila. Hindi rin naging madali sa dalawa ang kanilang relasyon dahil sa kanilang magkaibang relihiyon. Iglesia ni Cristo si Gladys at Katoliko naman si Christopher. Dahil sa wagas niyang pagmamnahal sa kanyang kasintahan, nagpa-convert ang actor sa pagiging miyembro ng INC at sila’y nagpakasal nung January 23, 2004 sa Central Temple ng Iglesia ni Cristo along Commonwealth Avenue in Quezon City.

On January 23, 2018, ang mag-asawang Gladys at Christopher renewedtheir wedding vows to celebrate their 14th year bilang mag-asawa and 25th year nilang magka-relasyon.

The celebrity couple is now blessed with four beautiful children –Christophe (16), Aquishia (13), their only girl, Grant (11) at ang bunso ay si Gavin (5) na lahat may leaning mag-showbiz laluna ang panganay na si Christophe na napakaganda ng boses.

Bukod sa kanyang sariling pamilya, Gladys, being the eldest sa kanilang magkakapatid ay isa ring doting daughter sa kanyang parents and big sister sa mga kapatid laluna sa kanilang bunsong kapatid na may special needs.

Nung October 25, 2021, Gladys’ world crumbled when she lost her loving father na si Sonyer Reyes who was the rock sa kanilang pamilya habang ang kanyang ina ay isang cancer survivor. This made her closer to her family.

Being a family woman herself, she credits her husband Christopher sa pagiging understanding at supportive nito.

Even before the pandemic ay nagsimula nang mag-put up ang mag-asawang Gladys at Christopher ng isang restaurant in 2018 sa Cainta, Rizal.

Since nagtapos ng culinary arts si Christopher, siya ang in-charge sa pagluluto samantalang si Gladys sa marketing and promotions. Pinasok din nila ang catering business sa pamamagitan ng Sommereux Catering. Naapektuhan man ang kanilang business ng pandemic ay natutong maging mas creative ang couple. They put up That’s EntertainMeat Express (All-Day Breakfast resto), Sonyer Restaurant (named after Gladys’ late father) na isang authentic Filipino resto. Lahat ng mga negosyong ito ay idea lahat ni Christopher dahil siya ang chef at meron silang business partner na mag-asawa rin, sina JeAnne at Chef Mike Lacuesta who are in the food business much longer than them.

Sa kabila ng pagiging abala ng mag-asawang Gladys at Christopher sa kanilang mga negosyo, may nakalaan silang oras para sa kanilang mga anak maging sa kanilang respective showbiz careers.

Nariyan pa ang pagiging host ni Gladys sa kanyang long-running celebrity talk show sa Net25, ang “MOMents” na 13 taon nang tumatakbo sa ere.

“And we still go out on dates na kaming mag-asawa lang,” dagdag pa ni Gladys.

Sa kabila ng kanyang pagiging “La Primera Contravida” sa mga teleserye at pelikula, napakabait at napaka-lovable ni Gladys in real life hindi lamang sa kanyang pamilya at mga kaibigan kundi maging sa kanyang fans.

Samantata, si Gladys ay unang na-discover ng yumaong Mina Aragon ng Viva Films matapos itong sumali sa “Little Miss Philippines” ng “Eat Bulaga” when she was 6 years old.

Nora

Lotlot ‘di natiis si Ate Guy

NORMAL lamang ang magkaroon ng tampuhan at samaan ng loob sa isang pamilya maging sa magkakaibigan.

It is public knowledge na matagal ding nagkaroon ng gap ang mag-inangNora Aunor at Lotlot de Leon pero dumarating din ang tamang panahon kung kailan maghihilom ang kanilang mga sugat sa puso.

Hindi nakadalo ang superstar na si Nora Aunor upang tanggapin ang kanyang much-awaited National Artist Award (bilang aktres) mulakay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang last June 16, 2022 dahil ito’y may karamdaman at nasa pagamutan. Gustong-gusto mang dumalo ni Guy (Nora) ay hindi ito pinahintulutan ng kanyang mga doctor. The award was received on her behalf ng kanyang mga anak na sina Matet, Ian, Kiko at Kenneth minus Lotlot.

Bilang isang anak at ina na rin, hindi natiis ng aktres na si Lotlot de Leon ang kanyang adoptive mother na si Guy na hindi ito puntahan sa hospital at bantayan na rin.

Although personal nang kilala ni Lotlot ang kanyang biological parents, hindi mapapantayan ang kanyang pagmamahal kay Guy na siyang nagbigay ng pagmamahal, nagpalaki at nagpa-aral sa kanya at siya niyang kinagisnan at kinalakihang ina.

Sa pagkakaayos ng mag-inang Guy at Lotlot , hindi lamang ang mga nakababatang kapatid niyang sina Matet, Ian, Kiko at Kenneth ang natuwa kundi maging ang kanilang respective families and friends lalung-lalo na ang loyal fans ng superstar.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter @aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE