Rob

Rob, quota sa rape scenes

June 23, 2022 Ian F. Fariñas 763 views

GAYA ng kasamahang si Sid Lucero, napapayag din ni Direk Brillante Mendoza na mag-frontal nudity sa Vivamax original movie na Virgin Forest ang baguhang si Rob Guinto.

Papel ng isang babaing nabaliw dahil niloko ng nobyo at ibinenta sa whorehouse ang ginagampanan ni Rob sa movie kaya talagang sobrang challenging at daring ang ginawa niyang pagganap.

Qumuota siya sa rape scene sa pelikula kung saan, siyempre, hubo’t hubad siya at ang mga kaeksena. Maaawa ka nga sa karakter niya dahil kitang-kita sa mukha ni Rob ang kahinaan ng babaing pinagsasamantalahan ng napakaraming lalaki.

Anyway, sa Q&A portion matapos ang private screening ng Virgin Forest sa Gateway Mall Cinema 7, sinabi niya na hindi naman siya gaanong nahirapan dahil alam niyang naroon si Direk Brillante at hindi sila pinabayaan.

“’Yung about du’n sa tatlo na guy na foreigner na nag-ano sa akin noon, kinausap kami ni Direk, kaming apat, na kung ano ’yung mga dapat naming gawin that time, so, pati mga co-actor ko, nag-usap-usap naman po kami,” kwento ni Rob.

Palabas na sa Vivamax ang Virgin Forest ngayong Biyernes kasama rin sina Vince Rillon, Angeli Khang, Rob Guinto, Kat Dovey, Markki Stroem, Ivan Padilla, Greg Hawkins at Micaella Raz.

AUTHOR PROFILE