Pokwang colorful ang lovelife

June 19, 2021 Aster Amoyo 877 views

THE late popular English comic, actor, filmmaker and composer Charlie Chaplin once said, “Nothing is forever in this world.”

Marami-rami na ring Kapamilya talents ang lumipat sa Kapuso Network at ang pinakabagong transferee from ABS-CBN to GMA ay ang singer-comedienne na si Pokwang (Marietta Subong in real life) na lumagda ng contract with GMA last Friday, June 18.

Naging emotional si Pokwang sa kanyang pagiging Kapuso after 16 years with ABS-CBN’s Star Magic.

While she is grateful to her former home studio (ang ABS-CBN), the singer-comedienne looks forward to her new journey bilang isang Kapuso talent.

Napaka-colorful din ng buhay ni Pokwang na nagsimulang maging migrant worker sa Japan at Abu Dhabi.

Pokwang was first married to a Japanese national, ama ng kanyang namayapang anak (boy) na nakilala niya habang siya’y nagtatrabaho sa Japan pero nagkahiwalay din sila. But years later ay muli itong kumontak kay Pokwang at nag-request na makita ang grave ng kanilang anak.

Nagkaroon din ng relasyon si Pokwang sa isang Japanese guy na ama naman ng kanyang anak na si Ria Mae. She later found out na meron itong Korean wife.

It was in 2015 nang magkaroon siya ng relasyon sa American actor na si Lee O’Brian. Bago ipanganak ang kanilang anak na si Malia Francine nung January 18, 2018, nagka-miscarriage pa si Pokwang sa kanilang magiging first child sana.

Come January 2021 ay magsi-seven years na ang relasyon nina Pokwang at Lee pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakasal ang dalawa.

Jay lipas na raw ang pagiging chickboy

BALIK-Viva ang 45-year-old actor na si Jay Manalo.

Kung matatandaan pa, it was Viva who built Jay up, una bilang action star, then sexy actor and eventually bilang isang serious actor.

Although sa umpisa ay pawang action movies ang ginawa ni Jay tulad ng “Brat Pack,” “Paracale Gang,” “Urban Rangers” at iba, nag-move siya sa sexy films tulad ng “Gayuma” with Amanda Page, “Kool Ka Lang,” “Kaliwa’t Kanan,” “Sakit sa Katawan,” “Bayad Puri,” “Bawal na Halik,” “Balahibong Pusa,” “Prosti,” “Bayaran” “Ang Huling Birhen sa Lupa,” “Hubog” at iba pa.

Jay was launched into full sexy stardom sa pamamagitan ng pelikulang “Totoy Mola” na pinagtambalan nila ni Dindi Gallardo at dinirek ni Abbo de la Cruz in 1997. Ang nasabing pelikula ay balak ng Viva na i-remake with Jay as the father of the new “Totoy Mola”.

After doing sexy films left and right, nabigyan din si Jay ng mga pelikula na seryoso ang tema tulad ng “Aishite Imasu 1941,” “Mahal Kita, “ “Mano Po 3: My Love” ng Regal Films. Gumawa rin siya ng ilang fantasy films tulad ng “Gagamboy,” “Feng Shui,” “Barang” at iba pa. Marami-rami na rin siyang nagawang TV soap operas tulad ng “Mula sa Puso,” “Pangako Sa `Yo,” “Kung Mawawaka Ka,” “Vietnam Rose,” “Bakekang,” “FPJ’s Ang Probinsyano” at marami pang iba.

Samantala, hindi ikinakaila ng actor na meron siyang 12 anak mula sa anim na babae and he’s close to all his children maging sa kanyang ex-girlfriends.

Ayon sa actor, tapos na umano siya sa kanyang `chickboy’ days at loyal na umano siya sa kanyang present non-showbiz wife na si Anna Raizza Austra-Manalo with whom he has five kids.

Aurora hindi makapaniwala sa second chance

HINDI makapaniwala ang dating beauty queen-turned actress na si Aurora Sevilla na siya’y muling mabibigyan ng panibagong pagkakataon ng Viva matapos siyang lumagda ng kontrata noong June 16 with Viva Artists Agency (VAA), ang talent management arm ng Viva Communications, Inc. na pinamumunuan ng second child ng Viva’s Chairman-CEO na si Boss Vic del Rosario na si Veronique del Rosario-Corpus.

Kasabay niyang lumagda sa Viva ang daughter na si Aliyah Sevilla (19), isang Marketing student sa University of Santo Tomas (UST).

Aurora has two children sa magkaibang guys. Mag-isang binuhay ni Aurora ang kanyang dalawang anak at tapos na sa college ang kanyang panganay na si Joshua (24) at third year college student naman ang kanyang bunsong anak na si Ali.

Si Aurora ay huling napanood sa “The Killer Bride” na ABS-CBN na tinampukan ng magtiyahing sina Maja Salvador at Janella Salvador.

Personal

BIRTHDAY greetings today, June 20 to my good friend in the US, Chato Sugay-Jimenez, former dancer and choreographer ng OctoArts International.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE