Pokie

Pokwang, bet makasama sina Ai-Ai at Uge sa morning show

June 19, 2021 Vinia Vivar 606 views

AiaiEugeneMatapos ang pagpirma ng kontrata sa GMA-7 last Friday, humarap sa entertainment press si Pokwang sa pamamagitan ng isang virtual mediacon.

Masayang-masaya si Pokie sa pag-welcome ng Kapuso sa kanya at kwento nga niya, taong 2019 pa niya gustong lumipat.

She admitted na siya ang naunang lumapit sa GMA sa tulong ng isang kaibigan.

“2019 pa kami nag-uusap-usap and in all fairness naman, binuksan nila (GMA-7) ‘yung kanilang mga braso sa akin, thank you.

“Kasi siyempre, bilang isang artista, marami pa akong gustong i-share, marami pa akong gustong gawin and thankful kasi nabigyan naman nila ako ng pagkakataon na matupad ‘yun,” ani Pokwang.

Ngayong Kapuso na siya ay marami raw siyang gustong makatrabaho at ilan nga sa mga binanggit niya sina Alden Richards, Marian Rivera (na nakasama na niya once sa pelikula) at Jennylyn Mercado.

“Hindi ko pa nakakatrabaho si Jennylyn pero nakikita ko rin naman ‘yung mga ginawa niyang pelikula at mga teleserye niya, eh, click din naman nang bonggang-bongga at mahusay din naman ang ate mo, ’di ba?” sey ni Pokwang na pumapalakpak pa.

Gusto rin daw niyang makatrabaho ang dating Kapamilya stars tulad ni Rayver Cruz na tuwang-tuwa nga raw nang malamang lilipat na siya, gayundin ang mga kapwa-komedyana na sina Ai-Ai de las Alas at Eugene Domingo.

Dream din daw niyang magsama-sama silang tatlo nina Ai-Ai at Uge sa isang morning show na mala-Sis noon nina Janice de Belen, Gelli de Belen at Carmina Villarroel at ang title naman daw ng sa kanila ay Tits bilang mga tita naman sila.

Maraming naka-line-up na projects si Pokwang sa GMA-7 at isa na rito ay ang Pepito Manaloto with Michael V.

Mapapanood din siya bilang guest sa The Boobay and Tekla Show, Dear Uge, All-Out Sundays, Wish Ko Lang, Dear Uge at Magpakailanman.

GULO ANG DALA

Gulo ang dala ng bagong karakter ni Rafael Rosell bilang isang mayamang negosyante na magdudulot ng tensyon sa pagitan ng pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdes) at mayor na si Simon (Nonie Buencamino) sa Huwag Kang Mangamba, na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sa construction business ni Diego (Rafael) hihingi ng tulong si Deborah para sa pagpapatayo ng kanyang healing dome sa Hermoso. Ngunit manggagalaiti sa galit si Deborah dahil malalaman niya kay Diego na humingi na rin ng donasyon sa kanya ang tauhan ni Mayor Simon na si Tomas (Dominic Ochoa) para sa simbahang pinapatayo nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz).

Dahil sa rebelasyong ito, tuluyang mawawalan ng tiwala si Deborah kay Mayor Simon, tatalikuran ang suporta nito, at iimpluwensiyahan ang apo nitong si Miguel (RK Bagatsing) na kalabanin ang sarili niyang lolo.

AUTHOR PROFILE