Pokwang

Pokwang, blinock ang IG account ng anak

September 12, 2023 Vinia Vivar 243 views

Ipinaalam ni Pokwang sa kanyang Instagram followers na iba-block na niya ang IG account ng sariling anak na si Malia O’Brian.

Ito ay dahil hindi niya hawak ang nasabing account at ang may access lang ay si Lee O’Brian, Malia’s father at ex-partner ni Pokwang.

“Hi everyone I might block @malia_obrian IG accnt soon, wala po sakin ang control ng accnt na yan and ayaw naman i surrender sakin ng tatay nya so useless,” ang pahayag ng komedyana sa kanyang IG page.

Sey pa ni Pokie, masakit man at nanghihinayang din siya dahil nakatengga ang account at ayaw ipagamit sa kanila ng kanyang ex.

“Dahil ayaw naman nya i surrender samin ang IG ng anak nya so soon i block ko na po this IG ni @malia_obrian, masakit pero sayang kasi naka tengga lang yung accnt ng bata ayaw nya ipagamit samin,” ani Pokie.

Kapansin-pansin ngang hindi na aktibo ang account ni Malia at ang huling post ay noong July 1 pa ng taong ito.

Matatandaang naghiwalay sina Pokwang at Lee noong 2021 matapos ang ilang taong pagsasama. Ang anak nilang si Malia ay five years old na ngayon.

Nitong nakaraang Hunyo ay naghain ng petition for deportation si Pokwang laban kay Lee.

AUTHOR PROFILE