Yeng Constantino Larawan mula sa Instagram/@yeng

Yeng Constantino takot balikan ang ‘childhood traumas’

September 12, 2023 People's Tonight 403 views

BUONG tapang na inamin ng singer-songwriter na si Yeng Constantino na takot siyang balikan ang kanyang nakaraan.

Sa panayam kasama ang comedian-actor at entertainment reporter na si Ogie Diaz, ikinuwento ni Yeng ang kanyang saloobin sa kalagayan ng kanilang buhay noon kasama ang pamilya.

Isiniwalat ng “Pop Rock Royalty” na naging traumatic ang kanyang childhood dahil sa kahirapang naranasan, at bagamat malabo itong muling mangyari sa kasalukuyan, nakararamdam pa rin daw umano ng takot ang singer.

“Siguro trumatic po talaga ‘yung childhood na ‘yun… Ang hirap maging mahirap, mahirap po talaga. ‘Yung naririnig mo ‘yung nanay mo na namomroblema. Tapos baon ‘yung tatay mo sa utang. Ayaw ko talaga ‘nun e,” pahayag ni Yeng.

Saad pa niya na ayaw niya itong mangyari sa magiging anak niya dahil gusto niya na umano takasan ang ganoong sitwasyon.

“Ayaw kong mangyari ‘yun, sa a akin o sa magiging anak ko. Fear ko talaga. Gusto kong maging responsableng adult. Gusto kong makatakas, ‘yun yung word e,” wika pa ng singer-songwriter.

Nilinaw din ni Yeng na hindi siya ungrateful sa mga nangyari sa buhay. Hindi raw galit ang “Chinito” singer bagkus mas nananaig ang nararamdaman niyang takot mula sa mga nangyari sa nakaraan.

“Pero hindi naman po ako ‘yung parang ungrateful sa mga nangyari, sa mga naranasan ko sa buhay ko ‘nung bata ako. Actually grateful ako. May mga part na nakakatakot. Takot hindi galit,” ani Yeng.

“More on fear lang dahil naranasan mong mamroblema para sa magulang mo. Kasi ginawa naman ng magulang ko ‘yung lahat ng makakaya nila. Alam ko ‘yun e,” dagdag pa niya.

AUTHOR PROFILE