Default Thumbnail

Pinoy films nangulelat sa Cannes

July 19, 2021 Aster Amoyo 297 views

WALANG naiuwing tropeo ang alinman sa mga entries ng Pilipinas sa katatapos pa lamang na ika-74th Cannes Film Festival na ginanap sa Cannes, France na nagsimula last July 6 at nagtapos last July 17, 2021.

Narito ang list of winners sa katatapos pa lamang na 2021 Cannes Film Festival:

Palme d’Or – Julia Ducournau for “Titane” (France)

Grand Prix – Shared by Ashgar Farhadi for “A Hero” (Iran) and Juho Kuosmanen for “Compartment No. 6” (Finland)

Best Director – Leos Larax for “Annette” (France)

Best Actress – Renate Reinsve for “Worst Person In The World” (Normay)

Bet Actor – Caleb Landry Jones for “Nitram” (USA)

Best Screenplay – Hamaguchi Ryusuke and Takamasa Oe for “Drive My Car” (Japan)

Jury Prize – Shared by Nadav Lapid for “Ahed’s Knee” (Israel) and Apitchatpong Weerasethakul for “Memoria” (Thailand)

Best First Film – Antoneta Kusijanovic for “Murina” (Croatia)

Best Short Film – Tang Yi for “All the Crows In The World” (Hong Kong).

Anak ni Julia Roberts nag-rare public appearance sa Cannes

SAMANTALA, at the red carpet ng 2021 Cannes Film Festival, American actress and film producer Julia Roberts’ 16-year-old daughter na si Hazel Moder had her red carpet debut and rare public appearance when she accompanied her cinematographer father na si Danny Moder sa premiere ng pelikulang “Flag Day” na tinampukan nina Katheryn Winnick, Sean Penn, Regina King, Josh Brolin at iba pa. Hindi kasama ni Hazel sa nasabing okasyon ang kanyang twin brother na si Phinnaeus at ang kanyang younger brother na si Henry (14). Dumalo rin si Sean Penn sa nasabing okasyon kasama naman ang kanyang dalawang anak, his daughter na si Dylan (30) and son na Hopper Penn (27).

Dylan Frances Penn

Julia Roberts met her cameraman husband na si Danny Moder sa set ng kanyang pelikulang “The Mexican” in 2000. At that time, she was still dating actor Benjamin Bratt. Si Moder naman ay may asawa pa noon na si Vera Steimberg. He filed for a divorce a year later at nang ma-finalize ang divorce ay nagpakasal sila ni Julia nung July 4, 2002 sa ranch ng actress sa Taos, New Mexico. Ang mag-asawa ay nagkaroon ng tatlong anak – ang kambal na sina Hazel at Phinnaeus (16) and Henry (14).

Bago ang present husband ni Julia, nagkaroon siya ng relasyon sa iba’t ibang actors noon tulad nina Jason Patrick, Liam Nelson, Kiefer Sutherland, Dylan McDermott at Matthew Perry. She was briefly engaged kay Kiefer Sutherland pero nagkahiwalay sila tatlong araw bago ang kanilang June 11, 1991 wedding. Nung June 25, 1993 naman ay pinakasalan niya ang country singer na si Lyle Lovett sa St. James Lutheran Church in Marion, Indiana pero nagkahiwalay ang mag-asawa in 1995 na nauwi sa kanilang divorce. For almost three years, Roberts dated actor Benjamin Bratt pero nagkahiwalay din silang dalawa.

Julia and Danny have been married and still together for almost 19 years now since they got married in 2002.

JLo at Ben Affleck nagkabalikan

AMERICAN singer-dancer, actress and entrepreneur Jennifer Lopez (turning 52 this July 24) has reconciled with her former beau, American actor, film director-producer, screenwriter and philanthropist na si Ben Affleck (48) sometime in April this year after their separation 17 years ago and went on their respective lives.

Jennifer Lopez and Ben Affleck
Jennifer Lopez and Ben Affleck

Naispatan ang dalawa na nagha-house-hunting sa isang upscale Holmsby Hills in Los Angeles, California, USA nung nakaraang Huwebes. Isa sa kanilang tiningnan ay isang mansion na nagkakahalaga umano ng $65-M. Ang nasabing mansion ay may 8 rooms and 12 bathrooms na inaasahang lilipatan ng nagkabalikang magkasintahan.

Si JLo (Jennifer) ay may 13-year-old twins na sina Emme at Max sa kanyang ex-husband na si Marc Anthony (Muniz) na ex-husband din ng 1993 Miss Universe-turned actress na si Dayanara Torres. Si Ben naman ay may tatlong anak sa kanyang ex-wife, ang actress na si Jennifer Garner – sina Violet (15), Seraphina (12) at Samuel (9).

Ang rason ng kanilang paghahanap ng bagong bahay na malilipatan ay malamang na muling magsama and eventually magpakasal ang dalawa.

JLo and Ben were previously engaged nung sila pa (2002-2004) pero nagkahiwalay ang dalawa not because they don’t love each other anymore kundi dahil overwhelming media attention that they were getting as a couple which got into them laluna sa actor.

JLo was first married to a Cuban waiter na si Ojani Noa in 1997 pero hindi umabot ng isang taon ay nauwi ito sa hiwalayan in 1998. Pinakasalan din ni JLo ang kanyang back-up dancer na si Cris Judd in 2001 pero umabot lamang ang kanilang marriage ng halos dalawang taon at nauwi pa sa demandahan ang kanilang naging relasyon. Si Judd ay pinagbawalan ng korte na i-publish ang isang book about his marriage kay JLo at maglabas ng footage ng kanilang private honeymoon sa pamamagitan ng isang documentary. In 2004 ay pinakasalan naman niya ng US-based Puerto Rican singer na si Marc Anthony pero sila’y nag-divorce in 2011. Ang dating mag-asawa ay nabiyayaan ng fraternal twins na sina Emme Maribel Muniz at Maximilian David Muniz (13).

JLo had a decade-long relationship kay David Cruz na kanyang kapitbahay nung mid-90s. Nagkaroon din siya ng on and off relationship with record producer and rapper na si Sean Combs nung 1999 hanggang 2001.

Ang relasyon nina JLo at Ben Affleck ay nagsimula mid-2002 matapos magkita ang dalawa sa set ng pelikulang “Gigli” nung late 2001. Nagkatrabaho rin ang dalawa sa music video ni JLo, ang “Jenny from the Block” at sa pelikulang “Jersey Girls” in 2004. Ang relasyon ng dalawa ay covered ng widespread media coverage na nagbigay ng discomfort sa actor. Ito umano ang rason kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon at kinu-consider ni JLo as her “first real break-up”. Pero sa kabila nito ay nanatiling magkaibigan ang dalawa and they were still in contact with each other kahit may iba na silang karelasyon

Sina JLo at Ben got engaged in November 2002 pero three days before their planned wedding on September 14, 2003 hindi ito natuloy. In January 2004, they called off the engagement. It was in April 2021 nang maispatan ang dalawa na muling nagdi-date.

Kung colorful ang buhay pag-ibig ni JLo ay ganundin si Ben. He was in a relationship before with actress Gwyneth Paltrow in 1997. Nagsama ang dalawa sa pelikulang “Shakespare In Love” in 1998 but broke off in 1999 only to reconcile again in 2000 nang sila’y muling magsama sa pelikulang “Bounce” pero muling nagkahiwalay in October 2000. Nanatili naman silang magkaibigan up to this day. Nagkaroon din ng long distance relationship ang actor-director-producer sa New York-based TV producer na si Lindsay Shookus from mid 2017 to mid-2018. They briefly dated in 2019.

Si Shookus ay head ng “Saturday Night Live” talent department, a show kung saan naging host si Affleck ng limang beses in 2000.

The actor-director-producer also dated Cuban actress Ana de Armas na kanyang nakasama sa set ng “Deep Water” movie in 2019. They dated in 2020 up to early 2021. Siya bale ang huling naka-relasyon ni Affleck bago siya nakipagbalikan kay JLo na inaasahan ng Hollywood watchers na mauuwi na sa kasalan after calling off their engagement in 2004 and that was 17 years ago.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE