Migz Villafurte and Rachel Peters Migz Villafurte and Rachel Peters

Beauty queen, buntis, nagpakasal na sa pulitiko

July 18, 2021 Aster Amoyo 457 views

DAHIL ipinagbubuntis ngayon ng 2017 Miss Universe Philippines na si Rachel Peters ang magiging first baby nila ng gobernador ng Camarines Sur na si Miguel Luis `Migz’ Villafuerte, nag-desisyon ang engaged couple na magpakasal sa civil wedding rites nung nakaraang Biyernes, July 16 na ginanap sa Supreme Court which was officiated by the Supreme Court Justice himself na si Chief Justice Alexander Gesmundo at ang Associate Justice na si Justice Samuel Gaerlan. Ito’y dinaluhan ng parents ni Gov. Migz na sina 2nd district representative ng Camarines Sur na si Congressman LRay Villafuerte at misis nitong si Lala Villafuerte plus others.

It was in November 2019 when the couple got engaged and planned their wedding to be held in Indonesia last year pero hindi ito natuloy dahil sa health restrictions sa pandemya. Nung nakaraang May naman ay ibinahagi ni Rachel sa kanyang Instagram account that they’re expecting their first baby this year.

Although they’re still planning for a big wedding to happen next year, nagdesisyon ang couple na magkaroon muna ng civil wedding at ito’y nangyari nung nakaraang Biyernes sa sala mismo ng Supreme Court para paglabas ng kanilang unang baby, a girl ay ganap na silang mag-asawa.

After their civil wedding last Friday, si Rachel Peters na isang Filipino-British ay ganap nang Mrs. Rachel Peters-Villafuerte.

The newlywed got married in celebration na rin sa kanilang 7th anniversary bilang couple.

Julia willing nang mag-asawa

KUNG nung isang taon ay tago pa rin sa publiko ang relasyon ng magkasintahang Gerald Anderson (32) at Julia Barretto (24) ngayon ay very open na ang dalawa. Base sa pictures na ibinabahagi ng dalawa sa kanilang respective social media accounts, maganda ang relasyon ng Kapamilya actor hindi lamang sa kanyang girlfriend na si Julia kundi maging sa pamilya nito. Last March kasama ni Gerald si Julia and her family sa isang beach in Zambales na pag-aari mismo ng actor bilang celebration sa magkahiwalay na kaarawan ng dalawa. Ito’y nasundan ng kanilang boating and fishing recently. Magkasama rin ang magkasintahan with Julia’s family na nagbabakasyon sa Baguio.

Gerald Anderson and Julia Barretto

In one of the interviews kay Julia, sinabi nito na willing umano siyang mag-asawa at a young age if she thinks ready na rin siyang magkaroon ng sariling pamilya.

Julia leaves independently from her mom (Marjorie Barretto) and her younger siblings na sina Claudia, Leon at Erich but she’s very close to her family at madalas din silang magkakasama kapag wala siyang trabaho.

Julia has just finished her first TV series under Viva kung saan niya katambal si Marco Gumabao na nakatakdang ipalabas sa TV5.

Si Julia ay nasa pangangalaga na ngayon ng Viva habang nananatili namang Kapamilya si Gerald.

Bea shopping at pasyal ang inatupag kasama ang rumored BF sa US

MATAPOS pumirma ng kontrata with her new home studio, ang GMA, lumipad patungong Los Angeles, California, USA si Bea Alonzo with her rumored boyfriend na si Dominic Roque, pamangkin ng San Francisco-based actress na si Beth Tamayo.

Bea Alonzo and Dominic Roque
Bea Alonzo and Dominic Roque

Ramdam ni Bea ang pagbabalik sa normal sa Amerika dahil marami na sa kanila ang hindi nagsusuot ng face mask.

Bago sumabak sa kanyang first project with GMA, minabuti ni Bea na mag-recharge muna sa Amerika kaya nagi-enjoy siya ngayon sa pamamasyal at pagsa-shopping kasama ang kanyang napapabalitang boyfriend na si Dominic.

Bukod sa isang TV series na kanyang sisimulan sa Kapuso Network, she’s also doing a movie opposite Alden Richards which will be co-produced ng GMA Pictures, Viva Films and APT Entertainment.

Vice Ganda at Anne di napigilang magyakap sa muling pagkikita

SOBRANG nasabik sa isa’isa sina Vice Ganda at Anne Curtis sa “Gandemic” virtual concert ni Vice kung saan special guest ang actress-TV host.

Vice Ganda and Anne Curtis
Vice Ganda and Anne Curtis

Parehong teary-eyed sina Vice at Anne nang magkita at hindi nila naiwasan ang magyakap dahil ito ang kanilang first time na magkita nang face to face matapos mag-maternity leave ang actress sa kanilang daily noontime show, ang “It’s Showtime” nung December 2019. Sa nasabing show na-develop ang special friendship ng dalawa maging ng iba nilang mga kasamahan sa programa.

Although nung nakaraang February 2021 pa bumalik sa bansa si Anne with her family, hindi pa ito bumabalik sa kanyang trabaho both sa hosting and acting dahil gusto lamang niyang ma-protektahan ang kanyang pamilya laluna ang kanyang one-year-four months old daughter na si Dahlia. Pero nangako si Anne na babalik na umano siya sa “It’s Showtime” soon maging ang paggawa ng pelikula which might be co-produced ng Viva Films and GMA Pictures.

Inamin ni Anne na sobra na umano niyang nami-miss ang kanyang trabaho pero kailangan lamang umano niyang magsakrispisyo for her daughter tulad ng ginawa ng isa sa mga hosts ng “It’s Showtime,” ang singer-dancer-actor at politician na si Jhong Hilario.

Bukod sa acting at hosting, in-demand pa rin si Anne bilang celebrity endorser with more than 17-M followers sa kanyang Instagram account.

Personal

HAPPY birthday to my nephew Melvin Amoyo Esperas on July 19 and advance birthday greetings to my late brother Mario Amoyo on July 22.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE