Kelsey

Pinay model na si Kelsey Merrit nakikipag-date sa sikat na Hollywood actor na si James Marsden

April 11, 2023 People's Journal 461 views

HINIHINALANG may relasyon ang Filipina-American model na si Kelsey Merritt sa 49-year-old Hollywood actor James Marsden matapos silang makitang sweet sa isang Italian restaurant sa Los Angeles, California..

Nakunan sila ng litrato habang masaya sa loob ng isang kotse noong Biyernes, Abril 7.

Bago rito, nakita rin sina Kelsey at James sa isang fashion show noong October 2022,gayundin sa Vanity Fair Oscar Party nitong February 2023. Sinusundan din nila ang isa’t isa sa Instagram.

Bago kay James, na-link din ang 26-year-old model-actress sa Hollywood actor din na si Jared Leto at sa Olympic swimmer na si Conor Dwyer. Gumawa ng kasaysayan si Kelsey bilang unang Filipina na rumampa sa Victoria’s Secret Fashion Show noong 2018.

Sumikat naman si James bilang Prince Edward sa “Enchanted” at sa sequel nitong “Disenchated,” bilang Scott Summers at Cyclops sa “X-Men” bilang, Lon Hammond Jr. sa “The Notebook,” at bilang Richard White sa “Superman Returns.”

Pumirma noong 2020 ng kontrata sa Viva Talent Management si Kelsey at napanood sa ilang shows ng GMA7.

AUTHOR PROFILE