PRC Larawan: PRC

PH may 25,761 bagong nurses

December 3, 2023 People's Tonight 168 views

UMABOT sa 25,761 ang bagong nurses ng bansa matapos pumasa sa Philippine Nurses Licensure Examination nitong Nobyembre 2023.

Ang pagsusulit ay isinagawa sa 19 na testing centers sa Pilipinas.

Ang mga miyembro ng Philippine Nurses Licensure Examination na nagsagawa ng pagsusulit ay sina Hon. Elsie A. Tee, chair; at Hon. Carmelita C. Divinagracia, Hon. Elizabeth C. Lagrito (inhibited), Hon. Zenaida C. Gagno, Hon. Marylou B. Ong, Hon. Merle L. Salvani, at Hon. Leah Primitiva S. Paquiz, mga miyembro.

Pumalo sa 80 percent ang passing rate dahil sa 25,761 ang pumasa mula sa 32,203 na examinees.

Nanguna sa naturang exam sina Aristotle Castronuevo ng Pamantasang Lungsod ng Maynila at Cris Vinz Tomboc ng West Visayas State University – La Paz, na kapwa nakakuha ng 91.00 percent.

Samantala, pumalo naman sa 17 pamantasan ang nakakuha ng 100 passing rate. Ilan sa mga paaralang ito ay ang University of Santo Tomas (300 out of 300), Velez College (234 out of 234), at Cebu Doctors University (209 out of 209).

Maaari namang ma-access ang listahan ng mga pumasa sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/1HEkWqv3p575HAN1aHXTVpuCO_pKWyFg4/view.

AUTHOR PROFILE