Default Thumbnail

Pedestrian nahagip ng motorsiklo, dedo

December 19, 2021 Edd Reyes 236 views

PATAY ang 39-anyos na pedestrian nang masalpok ng isang rumaragasang motorsiklo habang tumatawid sa kahabaan ng Road-10 Sabado ng gabi sa Navotas City.

Hindi na umabot ng buhay sa Navotas City Hospital ang biktimang si Dennis Pagulayan pedicab driver at naninirahan sa R-10, Brgy NBBS Proper sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Dinala rin sa naturang pagamutan ang driver ng NMax motorcycle (630-ATF) na nakilalang si Manuel Maribojoc, 51 ng No 5 Vincent St. B.F Road, Quezon City matapos na sumadsad sa lansangan sanhi ng malakas na pagkakasalpok sa biktima bagama’t kaagad ding pinayagang makalabas ng pagamutan upang maisailalim sa pag-iimbestiga ng pulisya.

Sa pagsisiyasat ni Navotas police traffic investigator P/SSgt. Levi Salazar, mabilis na tinatahak ni Maribojoc ang kahabaan ng Road 10 patungo sa gawi ng Malabon City dakong 7:45 p.k. nang mahagip niya ang tumatawid na biktima pagsapit sa Brgy. NBBS Proper.

Matapos ang pagsisiyasat, iprinisinta na sa piskalya ng Lungsod ng Malabon si Maribojoc para sa inquest proceedings kaugnay sa isinampang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa kanya.

AUTHOR PROFILE