Default Thumbnail

Chinese nat’l namatay dahil sa paso sa asido

December 19, 2021 Francis Naguit 261 views

HINDI na nagawang maisalba sa Manila Doctors Hospital ang isang 40-anyos na negosyanteng Chinese national, nang bumigay ito sanhi ng mga tinamong sunog sa katawan dulot ng asido.

Dakong 9:45 a.m. nitong Sabado nang itawag ng nakatalagang sekyu ng condo ang pagkamatay ng biktimang si Chung Wei Chiang, ng Unit 26 IJK Tower 3, Robinsons Place , Adriatico St., Ermita, Manila.

Una nang pinagharap sa kasong frustrated through burning ang negosyante matapos maghain ng kaso ang isang Robie Mae Garcia, nang sabuyan umano ito ng asido 10 a.m.noong Disyembre 3.

Kapwa nagtamo ng mga paso sa katawan ang dalawa dahil nag-agawan umano silai sa bote na maglalaman ng asido.

Ang Chinese national ay idineklarang sumakabilang buhay bandang 4:51 a.m. noong Sabado ni Dr.Arlyze Gaile Arenas.

Si Det. Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District – Homicide Section, may hawak ng kaso, ang nagresponde sa pagamutan. Nina FRANCIS NAGUIT & JONJON REYES

AUTHOR PROFILE