BBM5

PBBM sa mga OFW sa Brunie: Umuwi sa Pilipinas at magnegosyo

May 28, 2024 Chona Yu 191 views

BANDAR SERI BEGAWAN, Brunie –Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga overseas Filipino workers sa Brunie na umuwi ng Pilipinas at mag-negosyo.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa Filipino community, sinabi nito na mararamdaman na sa susunod na taon ang epekto ng “Build, Better, More.”

Ito ang programa ni Pangulong Marcos na magpapaigting sa mga imprastraktura sa Pilipinas.

“I said it before and I will say it again, “we will build and we will build better and we will build more,” pahayag ni Pangulong Marcos

“We don’t want to see that development is only in Manila or in Luzon. Nobody should be left behind,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Tinututukan din ni Pangulong Marcos ang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura para makamit ang food security ng bansa.

Isinusulong ni Pangulong Marcos na gawing moderno ang sektor ng agrikultura.

Nasa 25,000 ang Filipino sa Brunie.

Nasa Brunie si Pangulong Marcos para sa dalawang araw na state visit.

Kasama ni Pangulong Marcos sa pagbisita sa mga Filipino community sina First Lady Liza Marcos, Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at iba pang miyembro ng Gabinete.

AUTHOR PROFILE