Algabre Foreign Affairs Assistant Secretary Maria Elena Algabre Source: PCO

PBBM hihikayatin Germany, Czech Republic firms magnegosyo sa PH

March 9, 2024 Chona Yu 104 views

PERSONAL na iimbitahin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga malalaking kompanya sa Germany at Czech Republic na mamuhunan sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Maria Elena Algabre na sasamantalahin ni Pangulong Marcos ang oportunidad na malakas ang ekonomiya ang bansa at magandang lugar para gawing economic investment environment.

“During the President’s time in Germany and the Czech Republic, the President will focus on bolstering trade and investment opportunities in the Philippines, inviting German and Czech companies to increase their presence in the country,” pahayag ni Algabre.

“The President will also attend business forums in both countries participated in by prominent business leaders,” dagdag ni Algrabre.

Makikipagpulong si Pangulong Marcos sa mga kompanya na interesado sa renewable energy, manufacturing, healthcare, aerospace at innovation.

Nais din ni Pangulong Marcos na palakasin ang labor tie up sa dalawang European nations.

“Sa Germany po, iba-iba iyong kanilang mga … aside from the health workers, mayroon sa mga IT, sa manufacturing also and, of course, we have those who have made Germany their home,” pahayag ni Algabre.

“Nagpunta doon, they met their family, they build their family there. Some are students also,” dagdag ng opisyal.

Nasa 36,000 Filipinos ang nasa Germany.

Ipagdiriwang ng Germany at Pilipimas ang ika 70 taon ng bilateral relations na una nang naitatag noong October 8, 1954.

AUTHOR PROFILE