Aga

Pang-iisnab kina Aga, Uge, atbp. binatikos ng netizens

December 28, 2024 Vinia Vivar 175 views

Mainit na pinag-uusapan sa showbiz at sa social media ang hindi pagkaka-nominado sa ilang mga artista ng mga pelikulang kasama sa 50th Metro Manila Film Festival.

Unang-una na nga rito si Aga Muhlach, na hindi nominated for Best Actor para sa pelikulang “Uninvited.”

Wala rin sa mga nominado for Best Actress si Julia Barretto ng pelikulang “Hold Me Close.”

Hindi rin nominated sina Gladys Reyes at Eugene Domingo bilang Best Supporting Actress sa pelikula namang “And the Breadwinner Is… “

Inisnab din ng jurors si Dan Vilegas, direktor ng “Uninvited,” gayundin si Jun Lana for “And The Breadwinner Is…”

Kapansin-pansin din na isa lang ang nakuhang award ng “Uninvited” at ito ay ang Best Float, ka-tie pa ang “Topakk” habang ang “Hold Me Close” ay walang nakuhang tropeo at all at kahit sa Best Float ay hindi ito nominated.

Kagabi pa trending sa X (dating Twitter) ang Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal gayundin sina Aga at Eugene at napakaraming kumukuwestiyon sa pagkaka-snub sa kanila.

“No jun lana nomination for best director, no aga muhlach for best actor, no eugene domingo for best supporting actress, SHUT THIS CLOWN SHOW NOW!!!” sey ng isang netizen.

“Okay, but why this is guy is not part of the nominees? Aga Muhlach deserves to be in the list,” reaksyon naman ng isa pa.

“Aga Muhlach as Guilly Vega, the character that you’ll love to hate! The Best Actor that never had for this year’s MMFF. Kahit nomination, wala!” tweet naman ng isa pang X user.

“Eugene Domingo not being nominated in any award is beyond ridiculous. Honestly baffling how they can completely overlook someone as TALENTED, and as GROUNDBREAKING as her. Disrespecting someone like THE EUGENE DOMINGO is a blatant disregard for true artistry,” komento naman ng isang netizen.

Ikinaloka rin ng netizens na tila pinalabas na patay na si Uge sa MMFF awards night dahil sa isang bahagi ng programa ay makikita umanong kasali sa “in memoriam” ang magaling na komedyante.,

“Kaya siguro di naisali sa best supporting actress si eugene domingo kasi akala nila tegibels na siya,” sey ng isang netizen.

“First, inisnub nyo ang isang Eugene Domingo na isa sa beteranang aktress at nagbigay ng walang tapong performance sa ATBWI. Ngayon, ginawa nyong patay?? Eugene Domingo didn’t last this long in this industry for you to disrespect her. APOLOGIZE TO HER!!” galit na sabi naman ng isa pa.

Isa pang kinukuwestiyon sa Gabi ng Parangal ay ang hindi pagkapanalo ni Zig Dulay bilang Best Director gayung “Green Bones” ang Best Picture.

Post nga ni Ogie Diaz sa FB Story, “Nanalong Best Picture, pero hindi ang director nito? Paano kayo nasarapan sa kare-kare pero ‘yung nagluto ng kaldereta ang pinuri nyo?”

Bukod dito, nilalait din ng netizens ang presentation ng awards night at may nagsabi pang “worst awards show” ito.

“Why is this the worst award show ever produced? political campaign na naging variety show. mas maayos pa program sa school,” anang isang netizen.

“Ang daming sinayang ng awards night na ‘to. from the questionable nominations, crappy event flow and production, and WHAT THE HECK 12:30AM NA MGA SIS GOOD MORNING NA SINASABI NG WINNERS. MALALANG DEBRIEFING ANG KAILANGAN SA BACKSTAGE,” puna naman ng isa pa.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang Metro Manila Film Festival hinggil sa katakot-takot na tanong at batikos ng mga netizen.

Ang inilabas lang nila ay ang credentials ng binuo nilang grupo ng jurors, na pinangungunahan ni Nicanor Tiongson.

Sinabi rin ng MMFF spokesperson na si Noel Ferrer na walang “cooking show” na naganap sa pagpili ng mga nagwagi.

AUTHOR PROFILE