Francine super proud sa pagkapanalo ni Seth
BAGAY na bagay sa tambalang FranSeth nina Francine Diaz at Seth Fedelin ang “from zero to beyond” tagline ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang “My Future You” dahil unti-unti na ngang lumilinaw ang “future” nila bilang mga aktor matapos magwagi ng Breakthrough Performance award si Seth sa katatapos na Gabi ng Parangal.
Siyempre, isa sa pinaka-proud kay Seth para sa achievement niyang ito si Francine na nag-post sa Instagram ng kanyang reaksyon sa pananalo ng kanyang “Yancy.”
Anang dalaga, “WHAT?!!
“Grateful for everything that happened this year.
“Tama nga, we must be patient kasi He will give it at the right time.
“To our FranSeth family, walang sawang pagpapasalamat mula sa mga puso namin ni yancy, kita at ramdam namin ang pagmamahal at suporta niyo, para sainyo to.
“Sa lahat po ng nanood ng ‘My Future You,’ maraming salamat po binigyan niyo ng chance ang pelikula namin, we hope we made you feel the love and happiness this Christmas when you left the cinemas.
“To our ABS CBN and Star Magic family, thank you for the support and for letting us explore. To ninong @johnling75, thank you for believing in us. Of course to @regalfilms50 and Ms @roselle_monteverde , hindi po kami magsasawang mag pasalamat sainyo, gaya pong sinabi namin, isang karangalan po ang magkaron ng pelikula mula sainyo, maraming salamat po sa tiwala. Direk @examiner07 , thank you din po for the constant guide and support since day one, ang husay nyo po!
“At sa mga pamilya namin na unang naniwala na kaya namin-maraming salamat po sainy, kayo ang dahilan ng lahat ng ‘to.
“To yancy, I’m very proud of you!!! Excited akong makita pa ng ibang tao ang husay mo at ang mabuti mong puso, masaya ako na ikaw ang kasama ko dito at sa mga susunod pa.
“From zero and beyond?” pagtatapos ni Francine.
Bukod sa Breakthrough Performance, nag-uwi rin ng ilan pang awards ang “My Future You” ng Regal Entertainment, tulad ng Best Director para kay Direk Crisanto Aquino, 3rd Best Picture at Best Editing (Vanessa Ubas de Leon).
Umani rin ng walong nominasyon ang heartwarming rom-com/fantasy movie, kabilang na ang Best Actress at Breakthrough Performance (Francine), FPJ Memorial Award, Best Float, Best Visual Effects (Santelmo Studio Inc.), Best Musical Score (Decky Margaja) at Best Screenplay (Direk Cris Aquino).