
Pamilya ni Kathryn napaka-humble — Alden
Hindi nasagot nang diretso ni Alden Richards kung nanliligaw ba siya sa leading lady niya sa “Hello, Love, Again” na si Kathryn Bernardo pero inamin niyang malalim na ang kanilang relasyon.
Sa guesting ng aktor sa “Fast Talk with Boy Abunda,” tinanong siya ni Boy Abunda kung nanliligaw ba siya kay Kathryn at hindi niya ito masagot ng “yes” or “no.”
Sa halip ay ipinaliwanag niya kung ano ang relasyon nila ng aktres.
“‘Yung meron po kami ni Kath ngayon, Tito Boy, is I should say really deep and since I got the chance to really know her now personally, ang dami ko pong nadi-discover sa kanya, our similarities and differences in how we view life.
“And sobrang naa-appreciate ko po ‘yung mga bagay na ino-open up niya sa ’kin and, you know, welcoming me into her life, and of course the family, na-meet ko na rin po ‘yung family,” sabi ni Alden.
Inamin din niyang nagpupunta siya sa bahay nina Kath kung kaya rin lang ng kanyang oras at puring-puri nga niya ang pamilya ng aktres.
“Nakita ko po kung gaano ka-humble ‘yung family ni Kath. Pareho po kaming lumaki sa probinsiya. Ako po sa Laguna, siya po sa Nueva Ecija, Cabanatuan.
“And I see how similar our families are in terms of how we see life, how we deal with, you know, everyday, and ‘yung pagiging makatao po. Kung ano si Kath, ang laking factor ng family,” ani Alden.
Sobrang na-appreciate raw niya ang pagtrato sa kanya ng pamilya ni Kath at parang hindi raw siya ibang tao.
Nang tanungin ni Kuya Boy kung nasabi na ba niya kay Kathryn ang kanyang itensyon, “opo” ang sagot ng aktor.
Dagdag pa niya, “Siguro, sa ngayon po, ayoko pong madaliin kung anuman po ‘yung pinagdadaanan naming dalawa. I think she has all the time in the world now that she’s been able to try new things as well for herself.”
Ulit na tanong ni Kuya Boy, “Does she know your feelings?”
Sagot ni Alden, “I think so po, yes po.”
Tinanong din siya ng TV host kung ano ang papel ni Kathryn sa araw-araw niyang buhay.
“Well, right now po kasi, we are just… you know, very blessed with this opportunity that we have right now and, you know, the friendship po that we have right now is deep and special and ang laking bagay po nu’n kasi mas nagagawa po namin nang tama ‘yung mga bagay na dapat naming gawin in terms of the film,” aniya.
Malaking factor din daw ang pagsu-shoot nila sa Canada para mas makilala niya nang husto si Kath.
“’Yung the time that we had when we were shooting in Canada, mas nakilala ko siya and how I see a great deal of myself,” sey ng aktor.