Kathryn

Kathryn nag-iba ng sagot tungkol sa second chances

November 16, 2024 Vinia Vivar 153 views

Medyo naiba na ang sagot ni Kathryn Bernardo nang muling matanong kung naniniwala ba siya sa second chances.

Nang una itong itanong sa kanya sa mediacon ng “Hello, Love, Again” last October, hindi niya ito direktang nasagot ng “yes” or “no.”

Ang sabi niya that time, “For me, lagi ko iniisip na forgiveness or second chances isn’t an obligation, it’s a choice and it’s a gift.

“So, kapag binigay sa ‘yo ‘yun ng tao, it’s a privilege. Just like any gift, you have to take care of that, and you have to earn that gift.”

Muli itong naitanong kay Kath sa “Rec-Create” vlog habang naglalaro sila ni Alden Richards ng lie detector test.

Si Alden mismo ang nagtanong kay Kath ng “naniniwala ka ba sa second chances?”

Sagot ng aktres, “Hirap naman, no na lang.”

Pero nang sumalang siya sa lie detector ay nakuryente siya, which means “lie” ang kanyang sagot.

Nagkatawanan na lang si Alden at nag-explain naman si Kath kung bakit “no” ang kanyang sagot.

“Kasi sobrang hirap ibalik ‘yung tiwala ko. In general, ‘di ba, siyempre, we all deserve second chances, we all want to have second chances.

“Depende kasi. It’s a case to case basis. Kung ano ‘yung nagawa mo, kung gaano mo nasaktan ‘yung tao and kung magbabago ka ba,” paliwanag ni Kath.

Dagdag pa niya, “It’s who you give your second chances to.”

Tanong ni Alden, “Not everyone deserves it?”

Sagot ng aktre, “Yeah, not everyone.”

Tinanong din ni Alden si Kathryn ng “have you ever wondered what it would be like to go on a date with me?”

Sagot naman ng kanyang leading lady sa “HLA,” “Yeah, I think so. Parang nakaka-curious paano ka makipag-date.”

Nakuryente si Kathryn at pagtatanggol naman ni Alden, “’Yung machine ang may problema talaga.”

Paliwanag naman ni Kath sa kanyang sagot, “I actually have no idea that’s why I’m curious. Hindi ko alam kung paano siya makipag-date so I wonder. Romantic ba siya? Medyo ano ba siya? Iba iba kase ang style ng mga guys, right?”

Tinanong naman ni Kath ang leading man ng “compatible kaya tayo?” and “yes” naman ang sagot ng aktor.

Pero “lie” ang resulta ng machine kaya tawanan ulit sila.

“Liar!” natatawang sabi ni Kath kay Alden.

PASASALAMAT

Marami ang napahanga sa naging pagganap ni Angelu de Leon bilang si Carmela Borromeo sa “Pulang Araw,” na siyang nanay ni Teresita (Sanya Lopez) at nagpahirap sa magkapatid na Adelina (Barbie Forteza) at Eduardo (Alden Richards).

Kamakailan nga ay pumanaw na ang karakter niya sa nasabing Kapuso show.

Puno naman ng pasasalamat si Angelu na mapabilang sa serye.

“Carmela Borromeo signing off. Taos pusong pasasalamat at paghanga sa lahat lahat ng bumubuo ng Pulang Araw. Maraming salamat at pinagkatiwala ninyo po sa akin ang karakter ni Carmela Borromeo,” post ni Angelu sa Facebook.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga bumubuo ng programa at sa buong produksyon.

“Isang karangalan ang mapabilang sa Pulang Araw hindi lamang bilang isang artista kung hindi bilang isang Filipino. Nawa’y mahalin natin ang ating bansang Pilipinas,” sey pa ng aktres.

AUTHOR PROFILE