Gloria

Pakikiramay patuloy na bumubuhos para sa pamilya ni Tita Glo

January 28, 2025 Vinia Vivar 171 views

Patuloy ang pagdagsa ng mga taga-industriyang nakikidalamhati, nakikiramay at nagbibigay-pugay sa yumaong Queen of Philippine Movies na si Gloria Romero.

Matatandaang pumanaw si Tita Glo nitong nakaraang Sabado, January 25, sa edad na 91.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Judy Ann Santos ng isang eksena nila ni Tita Glo sa isang pelikula noong child actress pa lamang siya.

“Thank you for the beautiful memories tita gloria… hindi ko makakalimutan ang mga akap mo, paghawak mo sa kamay ko pag tawang tawa ka, paghaplos mo sa mukha ko… at ang napaka amo mong mga ngiti… fly high tita gloria… our industry will forever be grateful to you,” caption ni Juday.

Ang comebacking actress namang si Hilda Koronel ay nag-post din ng video ng isang eksena nila ni Tita Glo sa kanyang first movie na ‘Haydee.’

“I am truly saddened by the passing of tita gloria. a great beauty, actress but most importantly a great human being. so very kind and gentle, she was my mom in my first film Haydee, and in so many other films I made. i love her laughter and her beautiful smile… tita Gloria I love you and will always think of you with fondness and great admiration… prayers for her family and loved ones…,” Hilda wrote.

Nagbahagi rin si Shaina Magdayao ng lumang larawan ng yumaong reyna noong child actress pa siya. Nakasama niya si Tita Glo sa pelikulang “Tanging Yaman.”

Ayon kay Shaina ay si Tita Glo ang nagturo sa kanya na mag-pray ng rosary.

“Rest in Peace my Lola Gloria. The woman who taught me to pray the rosary on the set of ‘Tanging Yaman.

“So blessed to have shared the screen with you po but most importantly, to have learned from such a gracious soul.

“Salamat po for touching our lives with your beautiful presence,” ang caption ni Shaina.

Madamdamin din ang tribute ni John Estrada na matagal na nakasama ni Tita Glo sa sitcom na “Palibhasa Lalake.”

Nagbahagi rin ng clip si John ng eksena nila ng veteran actress sa naturang sitcom.

“I am deeply saddened to hear of your passing, Tita Glo, whom the entire country lovingly remembers as Tita Minerva. But I am comforted that you have now gone home to our Father,” simula ni John.

Kasunod nito ay inalala ni John ang mga alaala niya kay Tita Glo o sa kanyang ‘Tita Minerva’ sa “Palibhasa Lalake.”

“9 years ako sa Palibhasa Lalake, sa clip na to first time ko nakita nabasa si TiTA Glo by accident akala ni goma kame ang lalabas sa may hagdanan, ang d nya alam si tita glo pala hahaha, basain mo na lahat wag lang si tita minerva, she was our QUEEN, kaya nung nangyari to sobrang takot na takot kame, at akala namin totoong galit sya, but after the take, niyakap namin sya at nag sorry at nag smile sya at sinabing its alright mga iho, Wag nyo lang ulitin uli and we all laughed, and we all hugged, tita glo had the sweetest soul,” pagre-recall ng aktor.

Nag-flashback din si John sa ibinigay na ‘advice of a lifetime’ ni Tita Glo sa kanya.

“You have been very supportive & encouraging to a ‘bagong-salta sa Maynila at sa showbiz.’ Nung nakikita ni tita Glo na pinapagalitan ako dati sa palibhasa, one time tinawag nya ako and Gave me the Advice of a life time, sabi nya, Juanito gusto mo ba talaga ang ginagawa mo? And i replied opo tita, sabi nya d ka tatagal sa industriyang eto kung d mo seseryosohin eto, kasi nga puro lang kame kulitan, and she continued, wag mo gayahin yan sina ricardo at joselito dahil magagaling na ang mga yan, matagal na nila ginagawa to, e ikaw bago ka palang, so mag basa ka ng script at mag memorize ka…. and syempre sineryoso ko ang advice nya.

“Those inspiring words gave me comfort and confidence as I navigated the industry,” pag-alala ng aktor.

“Tapos nung nagiging leading man na ako sa teleserye, at natuto na akong umarte, at nagkita kame ni tita glo, inupo nya ako at she told me na shes a fan now at sobra daw syang proud sa akin.

“Maraming maraming salamat sa napakabuti nyong puso tita. Napaka swerte ko po at nakatrabaho ko kayo kahit baguhan pa lang ako sa industrya at isa kayo sa mga Reyna ng industriya.

“I am praying that you will rest peacefully in the comfort of God’s embrace. I love you Tita Minerva a.k.a Tita Glo. You ll Surely Be Missed,” ang farewell message pa ni John kay Tita Glo.

AUTHOR PROFILE