Pepsi

Pepsi movie nakatakdang ipa-review sa MTRCB

January 28, 2025 Vinia Vivar 99 views

Matapos lumabas ang desisyon ng Muntinlupa Regional Trial Court hinggil sa “petition for writ of habeas data” na inihain ni Vic Sotto laban kay Darryl Yap, naglabas ng kanyang statement ang nasabing filmmaker.

Kinatigan ng korte ang petisyon ni Bossing at pinatatanggal na ang teaser ng “The Rapists of Pepsi Paloma” sa anumang online platform, social media at iba pang medium.

Nakasaad din sa desisyon na maaaring ipagpatuloy ng direktor ang paggawa ng pelikula at maipalabas ito.

Sa statement na inilabas ni Darryl sa kanyang Facebook account, aniya ay hindi siya pwedeng makapagbigay ng komento hinggil sa kaso at sa halip ay nagpasalamat siya sa mga supporters na nagdasal na payagan siyang maipalabas ang pelikula.

“MENSAHE NG PASASALAMAT. Hindi pa rin po ako maaaring magbigay ng tuwirang pahayag sa usaping legal ngunit nais ko pong ipaabot ang aking pasasalamat sa mga nagpapahayag ng kanilang suporta at nananalangin para sa kapakanan ng pelikula.

“Dahil po sa inyong dasal at pagsubaybay, Itinuturing po naming mahalagang balita ang pagkakaroon natin ng legal na pahintulot upang maipalabas ang ating pelikula,” pahayag ni Darryl.

Kaya naman ang susunod daw na hakbang niya ay ipa-review na ang pelikula sa Movie and Television Review Classification Board.

“Next step naman po namin ay magpareview sa MTRCB, susunod po tayo sa mga pamantayan kahit gaano ito kabusisi. Maghintay lamang po tayo,” aniya.

“Sa mga kababayan ko sa abroad na nagnanais na bilhin at ipalabas ang #TROPP sa USA, JAPAN, HK, EUROPE atbp., yan po ay sekondarya lamang sa aming isip sa ngayon, sapagkat prayoridad po ang pagpapalabas sa Pilipinas at sa mga kausap nang streaming platform, gayunpaman,

“Maraming Salamat po sa pagpapahalaga, darating din po tayo dyan. Salamat po sa pakiisa at pagtangkilik, parating na po si #PepsiPaloma,” saad pa ng filmmaker.

BABY MARUDO BIGATIN ANG MGA NINONG/NINANG

MarudoNabinyagan na ang first baby nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Makikita sa Instagram Stories ng aktor ang ilang kaganapan sa naturang binyagan.

Makikita nga sa mga larawan na bigatin ang mga ninong at ninang ni Baby Marudo na sina Kathryn Bernardo, Jane Oineza, Sam Sadhwani, Arjo Atayde at Enchong Dee.

Matatandaang isinilang ni Ria ang baby boy nila ni Z noong September, 2024.

Up to now ay hindi pa nagpapa-face reveal ang mag-asawa sa kanilang baby pero nang minsang makita namin si Zanjoe ay ipinakita niya sa amin ang mga larawan nito at tama ang sabi ni Sylvia Sanchez na kamukha nga ito ng tatay, pero maputi.

Sey ni Z, wala pa silang balak magpa-face reveal habang baby pa ito.

“’Pag may nagtanong, ‘pag may gustong makita, pinapakita ko at sinasabi ko ang pangalan pero hindi para iharap o post ko sa online,” aniya.

“Masyado pa siyang bata, kaya hindi ko makita ‘yung point kung bakit ko siya kailangang i-post sa online,” katwiran pa ng aktor.

AUTHOR PROFILE