Default Thumbnail

Pagsusuot ng face mask para lang sa kawani ng MBB

April 27, 2023 Edd Reyes 182 views

NILINAW ng Manila Public Information Office (MPIO) sa pamamagitan ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna-Pangan, na ang inilabas na memorandum order ng Manila Barangay Bureau (MBB) na nag-aatas ng sapilitang pagsusuot ng face mask ay para lamang sa mga kawani ng naturang kawanihan.

Sa naturang memorandum na nilagdaan ni Diosdado “Boroboy” Santiago, Officer-in-Charge (OIC) ng MBB, na inilabas nito lamang Miyerkules ng hapon, Abril 26, nakasaad na inaatasan ang lahat ng sapilitang pagsusuot na face mask sa loob at labas ng pasilidad, sa pribado at pampublikong establisyimento, at sa mga pampublikong transportasyon.

Nakasaad din sa memo na bukod sa sapilitang pagsusuot ng face mask, nararapat ding sundin ang iba pang panuntunan kaugnay sa COVID-19 safety protocols upang mapigil ang nakaka-alarmang pagdami ng mga kaso ng nakahahawang sakit.

Ang inilabas na memo ni Santiago ay batay sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) na naglalagay sa Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 1.

“Mukhang ito, na share ng ibang MBB staff sa labas and na isip ng bgy. officials na memo for them. Kaya I am clarifying that this is a memo specifically for MBB personnel. Maliit lang po ang office ng MBB and lagi sila nasa field bilang primary office ng city government coordinating sa mga barangays. To ensure safety ng staff and the people they serve, Dir. Boroboy issued this internal memo,” paglilinaw ni Atty. Abante.

“With or without a written directive, the Mayor’s instruction is clear: that to ensure the safety of all, including the people we serve, everyone is reminded to wear their mask despite the absence of an ordinance mandating us to do so,” pagwawakas pa ng pahayag ni Atty. Abante.

AUTHOR PROFILE