BBM

Pagpasok ng mga Afghan sa PH pinag-aaralan—PBBM

June 30, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 132 views

PINAG-AARALAN umano ng gobyerno ang hiling ng Estados Unidos na papasukin ang mga Afghan nationals sa Pilipinas habang pinoproseso ang pagpasok ng mga ito sa Amerika.

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. wala pang napagkakasunduan kaugnay ng hiling ng Estados Unidos.

“That is the proposal of the United States. We continue to study it. Let’s see if there’s a way we can do it without endangering security of the Philippines,” ani Pangulong Marcos.

“We’ll see if we can actually manage it and make sure that if things start to go not as planned, ano ‘yung mga puwede nating gawin,” sabi pa ng Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Marcos na kinikilala ng gobyerno ang isyu ng seguridad, legalidad, at logistics na kakailangang kung pagbibigyan ito.

“These are not refugees. They are an entirely different class of person. They are Afghan nationals who are being settled by the United States in the United States and other places. We are only going to be a transition area,” paliwanag ng Pangulo.

“Ito kasi ang mga Afghan na tumulong sa mga Amerikano noong giyera. Tapos biglang umalis ang mga Amerikano, naiwan ito. Ang katotohanan, pinapatay na nila sila, ng kalaban. Kaya’t ‘yun, inaalalayan nila ‘yung mga ano. Pero hindi na sila refugee. It is something different. It is not something that we’ve encountered before,” ani ng Pangulo.

Ayon sa Estados Unidos hindi lalagpas sa 1,000 Afghan ang kanilang nais dahil sa Pilipinas.

AUTHOR PROFILE