BBM1

PBBM tiniyak proteksyon sa LGBTQIA+ vs diskriminasyon

June 30, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 174 views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na poproteksyunan nito ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community laban sa diskriminasyon batay sa kanilang sexual orientation at gender identity o expression.

“I just wanted to say hello and to let you know that we in the Philippines ay ang habol lang naman talaga natin is that everybody is treated not for any other thing, not for race, not for creed, not for orientation, but just as Filipinos,” ani Pangulong Marcos sa pakikipagpulong nito sa LGBT Pilipinas na ginanap sa Malacañang.

“And that this government, that’s what it’s trying to do. But of course, there are many… I’m sure First Lady Liza (Araneta-Marcos) is even better briefed on the legal issues that impact upon your community,” sabi pa ng Pangulo.

Naniniwala umano ang Pangulo na hangga’t ang lahat ay nananatiling tapat sa ideya ng pagkilala sa kapwa Pilipino, lahat ay tratuhin nang patas at walang diskriminasyon.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang mga Pilipino ay mayroong mas bukas na isip kumpara sa ibang bansa.

“Dito sa Pinas, wala, okay lang ‘yan basta kilala mo naman ‘yan, kilala mo na. ‘Yung pagkatao ang tinitingnan natin, hindi ‘yung kung ano-ano pa,” wika pa ng Pangulo.

Itinutulak ng LGBT Pilipinas ang pagkakaroon ng malinaw na kinatawan sa burukrasya sa pamamagitan ng paglikha ng advisory body o komisyon para sa mga isyu ng LGBTQIA+.

Hinihingi ng grupo ang suporta ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa kanilang panukala.

Sa pagkakakilala umano ng Unang Ginang sa Pangulo naniniwala ito na pagbibigyan nito ang kanilang hiling.

Sinaksihan ng Unang Ginang ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyal ng LGBT Pilipinas na pinamumunuan ni Director Dindi Tan, bilang national president.

AUTHOR PROFILE