Kathryn

PAGPAPAKULAY NG BUHOK NI KATHRYN, SUPORTADO NI VICE

December 6, 2023 Vinia Vivar 133 views

“I’m sad. Until now, I am sad,” sey ni Vice Ganda kaugnay ng kanyang nararamdaman sa breakup nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

In an interview with MJ Felipe of ABS-CBN, sinabi ng Unkabogable Star na bilang malapit sa KathNiel at bilang isang fan na rin, ikinalungkot niya ang paghihiwalay ng dalawa.

“’Yung damdamin ko bilang malapit sa kanilang dalawa, bilang fan nilang dalawa, ‘yun, malungkot ako.

“Siyempre, parang hindi yata normal kung magiging masaya tayong nakikitang may dalawang taong dating masaya tapos ngayon, hindi na masaya sa piling ng isa’t isa.

“So, ‘yun. Normal na damdamin lang ‘yun. Katulad ng lahat, malungkot din ako,” sey niya.

Asked kung ano ang wish niya para sa dalawa, ani Vice, “I wish them peace, healing and joy. Gusto kong makita sila na masaya ulit.”

Natanong din siya kung nakita na ba niya ang orange hair ni Kathryn ngayon at sey niya, “Not yet. Talaga?”

Sana raw ay nakatulong ‘yun para sumaya si Kathryn at kung ito ang way niya ng pag-cope.

“Sana ano, nakakadagdag ‘yun sa kasiyahang nararamdaman niya. Kung anuman ang pamamaraan nila ng pag-cope, suportahan natin ‘yun,” sey ni Vice.

AUTHOR PROFILE