Chinese PATAY–Sinisiyasat ng mga operatiba ng MPD ang natagpuang patay na babaeng Chinese na may tama ng bala sa noo noong Linggo ng umaga. Kuha ni Jon-Jon Reyes

Pagkamatay ng Chinese na babae palaisipan sa MPD

October 15, 2023 Jonjon Reyes 249 views

PALAISIPAN sa mga operatiba ng Manila Police District kung hinagis sa tulay ang isang 41-anyos na babaeng Chinese makaraang madiskubreng patay dahil sa tama ng bala sa noo noong Linggo sa Mabini Bridge sa Sta Mesa, Manila.

Sa pamamagitan ng nakakatandang kapatid nakilala ang biktimang si Esmeralda Tui, ng Beata St., Pandacan, Manila.

Unang inireport sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) na may isang babaeng biktima ng hit and run kaya rumespode ang mga pulis bandang 3:00 ng madaling araw sa pamumuno ni Police Major Jaime Gonzales, hepe ng Investigation Section, kasama si Police Staff Sergeant Allen Camangon at mga pulis ng MPD Sta Mesa PS 8.

Pagdating sa crime scene, doon nadiskubreng may tama ng bala ang biktima sa noo na tumagos sa kanang sentido nito.

Ayon kay Ester Tui, 44, may ka live in ang kanyang kapatid at maysakit sa pag iisip kaya sumasailalim sa Antipsychotic medication simula pa noong 2022.

AUTHOR PROFILE