
Pagganap sa dark role ng pari, ipinagpaalam ni Piolo sa pastor
Bagama’t very religious si Piolo Pascual, hindi niya nililimitahan ang sarili niya pagdating sa pagtanggap ng mga proyekto na may kinalaman sa relihiyon o simbahan.
Tinanggap ng aktor ang pelikulang Mallari na inspired sa buhay ng serial killer na paring si Fr. Juan Severino Mallari in 1840.
Ito ay mula sa Mentorque Productions.
Ayon kay Papa P sa mediacon at ceremonial contract signing para sa naturang pelikula na ginanap sa Novotel kahapon, isa siyang aktor at mataas ang respeto sa kanyang trabaho kaya hindi niya ito hinahayaang makaapekto sa kanyang relihiyon.
“I have so much respect for my craft that I don’t tend to compromise because I know that this just a story, it’s just a film, it’s a story to tell, and you don’t leave it out,” pahayag ni Papa P.
Dagdag pa niya, “Mahirap kasi ‘pag nag-compromise ka, maku-compromise ‘yung proyekto mo, maku-compromise ‘yung karakter.”
Iba raw ang kanyang professional at personal views at hindi niya ito pinaghahalo.
Aminado naman siyang at first ay may hesitation siya sa project. Katunayan, tinanggihan na niya ito because of the schedule.
Pero nang mabasa niya ang script ay nagustuhan niya ito at tinanggap na niya.
Noon pa man daw ay tinanong na niya ang kanilang Pastor tungkol sa compromises and limitations sa kanyang mga papel na gagampanan.
“He said ‘a role is a role, you don’t have to believe in it, it’s just a story,’ say ni Piolo.
Excited na rin ang aktor dahil very challenging ang papel at first time niyang gaganap ng tatlong karakter at very dark pa ang role.
Sa ilalim ng direksyon ni Derick Cabrido, ang Mallari ay intended para sa Metro Manila Film Festival 2023.