Bianca

Bianca, posibleng mapasama sa TVJ show sa TV5

June 19, 2023 Jun Nardo 349 views

NAGPASALAMAT sa Ama si Bianca Umali nang makasama sa isang picture si Nora Aunor.

Wala pa namang sinabing project si Bianca kaugnay ng pagsasama nila ni Ate Guy sa litrato na inilabas niya sa kanyang Instagram.

Movie ba o TV?

Basta excited ang fans ni Bianca kung anuman ang project na pagsasamahan nila ng ating National Artist.

Eh, dahil wala pa kaming nababalitaang project ni Bianca, may chance kayang mapasama siya sa pagbabalik sa noontime show nina Tito, Vic and Joey ngayong selyado na ang paglipat nila sa TV5?

MURIEL, NAGBUBUNGA ANG LOYALTY KAY VIC

APAT pala ang members ng singing group na Xoxo na bahagi ngayon ng bagong Eat Bulaga.

Pero kung napapansin ninyo, apat talaga ang members ng Xoxo.

Ang pang-apat na member na wala sa Bulaga ay si Muriel, ‘yung kulot ang buhok at fair-skinned.

Bakit? Heto ang nasagap namin.

Bahagi pala ng sitcom ni Vic Sotto si Muriel na Open 24/7.

Eh, kahit mas malaki ang TF ng ibang Xoxo sa Bulaga, mas pinili ni Muriel na manatili sa sitcom ni Vic, huh!

Tutal naman, kasama si Muriel sa Magandang Dilag ni Herlene Budol. So, kahit mas maliit ang TF niya sa sitcom ni Vic kumpara sa mga kasama niya sa grupo, nabibigyan naman siya ng iba pang projects para may kita pa rin siya.

AUTHOR PROFILE