Benjamin Alves

BENJAMIN AT FIANCEE, BET MAGKA-BABY AGAD

June 19, 2023 Vinia Vivar 205 views

Kinumpirma ni Benjamin Alves na ikakasal na siya sa kanyang vlogger fiancee na si Chelsea Robato sa January, 2024.

Ibinahagi niya ito sa entertainment press na nakatsikahan niya sa mediacon ng Magandang Dilag.

Gaganapin ang kasal sa Forbes Park at kasalukuyan pa nilang pina-finalize ang entourage kaya hindi pa niya ito ma-confirm.

Excited na si Benjamin at hands-on daw sila sa preparations although may wedding coordinator naman sila.

After the wedding ay plano raw nilang magkaroon agad ng baby.

“May plano na po, pero hindi ko na lang gustong sabihin kung kelan but may plano naman po. Pero bilang Chinese si Chelsea, may specific kung anong year ang maganda,” aniya.

“I think we’re both ready. I think we’re both excited for it. ‘Yun naman po ‘yung goal namin, kaya hopefully, maka-find kami ng time after the wedding na makapagpahinga para makapag-honeymoon nang maayos,” dagdag pa ni Benjamin.

Matatandaang na-engage sina Benjamin at Chelsea last December, 2022.

Samantala, first time makatrabaho ni Benjamin si Herlene Budol at bilang baguhang aktres ay humanga siya rito.

Nagawa raw nito nang maayos ang mga hinihinging eksena.

“Kung nakilala n’yo siyang beauty queen, comedienne, host, ’eto talaga, I think when the show starts, malalaman n’yo na si Herlene talaga is a leading lady,” paglalarawan ni Benjamin sa kapareha.

AUTHOR PROFILE