MPD CHECKPOINT–NAGLATAG ng kabi-kabilang checkpoint ang Manila police sa paligid ng Quiapo church para sa seguridad ng mga magsisimbang gabi at mga mamimili. Kuha ni Jon-Jon Reyes.

Pagbabantay sa Quiapo church patuloy

December 21, 2023 Jonjon Reyes 155 views

PATULOY ang pagbabantay ng mga pulis ng Manila Police District (MPD), partikular ang Plaza Miranda Police Community Precinct at Sta. Cruz Police Station, sa paligid ng Quiapo church.

Tuloy ang bantay sa pamamagitan ng checkpoints at patrolling ng mga operatiba ng Tactical Motorized Rider Unit sa Quezon Blvd., Sta. Cruz noong Miyerkules ng gabi.

Dumami ang pulis sa mga lugar matapos na muling inutos ang pagpapaigting ng seguridad sa paligid ng simbahan ng itim na Nazareno sa Quiapo, Manila.

Maging sa umaga at gabi nagsasagawa ng check point hanggang sa simbang gabi mula alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.

Inutos din ni Police Captain Rowell Robles, hepe ng Plaza Miranda PCP, na pag ibayuhin ang pagmamanman sa paligid ng simbahan.

Ayon kay MPD chief Police Colonel Arnold Thomas Ibay, dapat bantayan ang mga mamamayan na magtutungo sa mga mall, partikular na sa mga matataong lugar.

AUTHOR PROFILE