
Pag-viral ng video ni Chiz, ikinaloka ni Heart
Naloka si Heart Evangelista at halos hindi makapaniwala sa rami ng views ng video ni Sen. Chiz Escudero na ipinost niya sa Instagram.
Ito ‘yung reel kung saan ay makikita ang mister ni Heart sa super-bonggang OOTD na ipinost ng aktres last July 16.
Ang nasabing video ay kuha habang nasa Paris silang mag-asawa para sa Paris Fashion Week.
Sey pa ni Heart sa caption ng reel, labag sa loob ng mister ang pag-upload niya ng nasabing video.
Ni-repost muli ni Heart ngayong araw sa kanyang IG Stories ang video at tila shookt na shookt na almost 10 million na ang views nito.
“Omg almost 10 m views! Hands down Senator Joseph,” Heart wrote, obviously feeling proud of her husband.
Upon checking, nasa mahigit 10M na ang views ng reel since its upload, may 498,919 likes at reactions, 7, 645 comments at 6,324 reshares.
In fairness, ang gwapo at ang hot talaga ni Sen. Chiz sa video na tila noon lang nakita sa ganu’ng get-up kaya naman pumatok nang husto sa netizens.