Rocco

Baby nina Rocco at Melissa, muntik maaksidente

August 6, 2023 Vinia Vivar 299 views

Grabe ang takot ni Rocco Nacino nang malagay sa panganib ang 10-month-old baby niyang si EZ recently.

Ipinakita niya sa Instagram ang CCTV kung saan ay makikitang nalaglag mula sa mataas na lamesa ang anak na nauuna ang ulo at mabuti na lang ay nahagip niya agad ang mga paa nito kaya hindi natuluyang mahulog sa floor.

Sa pamamagitan ng video ay ikinuwento ni Rocco ang nangyari habang hawak ang anak.

“So, I just had my first scare of my life,” simula niya.

“Just a few minutes ago, hawak-hawak ko si EZ dito sa table na ito. I reached over para patayin ‘yung isang lamok. Sa isang iglap, EZ chose to lean over to the side, dito sa edge. Nalaglag siya,” kwento ni Rocco.

“Pero nasalo ko ‘yung paa ni EZ,” patuloy niya at tumigil sandali ng pagkukuwento dahil nagiging emosyonal na siya.

“Naiiyak ako ngayon,” aniya.

Kasunod nito ay nagbigay siya ng reminder sa mga magulang din na tulad niya.

“Reaching out to the new parents out there as they grow bigger, older, lalo ring lumalaki ‘yung dangers that come along the way,” he said.

“Thinking about it, kapag hindi ko siya nasalo, ahhh huhu (sabay-yakap kay EZ), baka naospital pa kami,” patuloy niya.

Kaya payo niya sa mga magulang, laging bantayan ang kanilang baby.

“Don’t make the mistake I did. Be safe,” paalala pa niya.

Ang plano ni Rocc, i-baby proof ang kanilang bahay.

“Now I really have to baby proof the whole house to ensure a safe, playable environment,” aniya.

Sa comment section ay sumagot ang misis niyang si Melissa Gohing na wala pala sa bahay nang mangyari iyon.

“Huhuhu pagnandiyan ako iiyak ako. God is good nothing (happened),” sey ni Melissa.

AUTHOR PROFILE