Aljur Screenshots mula sa official trailer ng ‘Kamay ng Diyos’/SM Cinema’s Facebook page

Trailer ng pelikula ni Aljur pinukol ng hate comments

August 6, 2023 People's Tonight 481 views

MATAPOS ma-release ang trailer ng pelikula ng aktor na si Aljur Abrenica na “Sa Kamay ng Diyos”, agad na pinukol ito ng hate comments ng mga netizens.

Ang nasabing pelikula ay patungkol sa buhay ni Rev. Pastor Jonard N. Pamor, sa ilalim ng produksyon ng JPM Film Production at sa direksyon ni Zaldy M. Munda. Inilabas ng SM Cinema Facebook page ang trailer.

Inulan ng “HAHA” reactions ang video na mayroon na ngayong 21K reacts at pamimintas sa comment section ng post.

Ilan sa mga napansin ng netizens na bahagi ng trailer na kanilang pinagtawanan ay, ang eksena kung saan nakataas ang kamay ng karakter ni Aljur na tila gumagawa ng himala habang may nakapalibot na tila ba ipoipong tubig habang may lumulutang na mga isda.

Hirit tuloy ng mga netizens na mas maayos pa ang gawang school projects ng mga estudyante kaysa sa ipinakita ng pelikula.

Nagbigay rin ng mga sarcastic comments ang ilan para pagtawanan ang trailer.

Narito ang ilang komento ng netizens sa Facebook post ng SM Cinema para sa trailer ng “Sa Kamay ng Diyos”:

“Ano to? How to unsee? Hahaha akala ko wonderful tonight ang soundtrack. Tapos ang voice over parang naka microphone sa peryahan. Reverb effect.”

“Thank you. Okay, next group presentation.”

“HAHAHHAHA job well done group 3!”

“me when film editing is my passion”

“Ano to elementary project???”

“Mas maganda pa trailer namin nung junior high school kahit digicam lang gamit”

“Bat ganon, di po kami nakikipagbiruan hahahahaha”

“sana manalo ng oscars”

“Bat naging Avatar si Ptr? Airbender. Dapat dito sa IMAX or 4D panuorin.”

Bukod kay Aljur, tampok din sa pelikula ang mga aktor na sina Elizabeth Oropesa, Meg Imperial, Ali Forbes, at Rez Cortez.

Wala namang inilabas na pahayag o reaksyon si Aljur at ang kanyang kampo tungkol sa isyu.

AUTHOR PROFILE