Default Thumbnail

Pag-igting ng NRCP, life skills course ipinanukala

February 17, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 279 views

ITINUTULAK ni Isabela 6th District Representative Faustino “Inno” Dy V sa Kamara de Representante ang pagpasa ng kanyang dalawang panukalang batas na kinabibilangan ng House Bill (HB) Nos. 3607 o National Research Council of the Philippines (NRCP) Act at 1208 o pagsasama ng “Course on Life Skills” sa kurikulum ng pampubliko at pribadong paaralan.

Sa ilalim ng HB 3607, nais na paigtingin ni Dy, chairman ng Special Committee on Bases Conversion, kasama ang Department of Science and Technology (DOST) ang pagpapalakas ng larangan ng pananaliksik sa bansa.

Layunin din nito na magkaroon ng katuwang ang gobyerno sa pagsasagawa ng pananaliksik tungo sa pagkakaroon ng mas komprehensibong patakaran at mga batas na may matibay na pundasyon base sa masusing pag-aaral.

Sinabi ni Dy na ang ang NRCP ay magsisilbing pangunahing ahensiya na magsusulong ng mga pag-aaral sa siyensya sa pamamagitan ng National Training Program sa kani-kanilang satellite offices maging ang NRCP National Training Institute.

Ayon sa Isabela solon, makikilala ang NRCP bilang pangunahin at pinakamahusay na organisasyon para sa pananaliksik na makatutulong sa pagpapaunlad ng bansa.

Samantala, sinabi ni Dy na isinusulong naman ng kanyang HB 1208 ang “Course on Life Skills” ang pagtalakay sa Drivers at Pedestrian Education, Education Overview of Taxation, Government 101, Basic Personal Finance, Social Media Literacy and Data Privacy Rights, Career 101 o produksiyon ng résumé at tamang pagsagot sa interview.

Aniya, pangungunahan ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), University of the Philippines (UP), samahan ng mga guro sa Pilipinas, at ang National Youth Commission (NYC) ang programa.

Sinabi ni Dy na ayunin ng panukala na madagdagan ang kaalaman at kakayahan ng mga kabataan upang maging aktibong miyembro ng kani-kanilang komunidad at higit sa lahat maging handa sa iba’t-ibang hamon sa buhay.

AUTHOR PROFILE