
‘Paano mo aayawan?’
HINDI kinalmahan ng vlogger-actress na si Jelai Andres ang pagbabandera ng kanyang kaseksihan.
Sa isang Instagram post ng social media star, walang pagpipigil niyang sinabayan ang init ng panahon sa ibinanderang mga larawan nang magbakasyon sa isang resort.
Ayon sa maikling caption ni Jelai, nag-ala hot chocolate siya sa perfect morena niyang balat at kakinisan, na tila hinaluan ng marshmallow sa ibabaw dahil naman sa suot niyang puting two-piece bikini.
Tanaw na tanaw sa nasabing post ang ‘body goals’ ng internet personality. Sa ganda ng hubog ng kanyang katawan, mapapatanong ang mga kalalakihan ng “paano mo aayawan?”
Bukod sa glowing face ni Jelai, nakakasilaw rin ang pa-kilikili nito sa larawan.
Inulan ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang pagbabalandra ni Jelai ng kanyang katawan. Tila naloka sila at pinukol ng fire at heart emojis ang nasabing post.