Lacuna

Paalam ex-Manila vice mayor Lacuna, 85

August 13, 2023 Edd Reyes 183 views

INIHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang pagpanaw ng kanyang ama na si dating vice mayor Danilo “Danny” Lacuna, Linggo ng umaga, Agosto 13, 2023, sa edad na 85.

Namayapa ang kanilang ama ng Linggo ng umaga habang napapaligiran ng kanyang pamilya, ayon sa alkalde.

“It is with immeasurable sadness that we announce the death of Hon. Danilo Bautista Lacuna, former Vice Mayor of Manila.

Our beloved Daddy Dany joined his creator early this morning, August 13, 2023, surrounded by his loved ones,” pahayag ni Mayor Honey sa kanyang opisyal na Facebook account.

“A man of great service and compassion, Danny touched many, creating life which spans further than just his heart and into the hearts of us all where he will remain forever. We invite you to join us as we celebrate his life as well as his new life in Paradise,” dagdag pa ng alkalde.

Nagsilbi muna bilang konsehal ng Maynila si Danilo Bautista Lacuna mula 1968 hanggang 1975 at bise alkalde naman mula 1970 hanggang 1971, 1998 hanggang 1992 at ang pinakahuli noong 1998 hanggang 2007.

Si Danny Lacuna rin ang bumuo ng lokal na partidong pulitikal sa lungsod na Asenso Manileño na naging partido ni dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at kasalukuyang Mayor Honey Lacuna.

Naulila ng namayapang dating bise alkalde ang kanyang maybahay na si Melanie “Inday”Lacuna at limang anak na sina Honey, Lei, Dennis, Liza at Philip.

AUTHOR PROFILE