Castelo

P500 ayuda sa QC elderly hiniling ni Castelo

November 1, 2021 Ryan Ponce Pacpaco 89 views

IPINANUKALA ni Quezon City 2nd District Councilor Winnie Castelo na pagkalooban ng P500 buwanang ayuda ang libu-libong senior citizens ng lungsod na grabeng naapektuhan ng coronavirus disease-19 (COVID-19) pandemic.

Nakapaloob ang panukala ni Castelo, vice mayoral running mate ni mayoral aspirant Mike Defensor ng Anakalusugan party-list, sa kanyang Ordinance No. 21CC-484.

“It would be a big help to senior citizens who are more affected by the COVID-19 pandemic than others,” ani Castelo kaugnay sa kanyang panukalang P500 monthly allowance

Ipinaliwanagn ni Castelo na magsisilbing karagdagan ang kanyang panukala sa P500 stipend na nakukuha ng senior citizens sa pambansang pamahalaan sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9994 o Expanded Senior Citizen’s Act of 2010.

“It would promote the welfare of our elders as mandated by the law,” ani Castelo.

Naniniwala si Castelo na mayroong kakayahan ang Quezon City government na pagkalooban ng P500 buwanang ayuda ang senior citizens na mga residente ng lungsod.

“It’s also our way of giving back to our elderly residents who I am sure have contributed to the growth and development of the city by paying their taxes in their younger days,” giit ni Castelo.

Kasama rin sina Councilors Karl Edgar Castelo ng District 5 at Melencio Castelo Jr. District 6 sa mga awtor ng panukala.

Naunang inilatag ng Malayang Quezon City team nina Defensor at Castelo ang P17-bilyong economic recovery roadmap na magkakaloob ng ayuda sa maliliit at malalaking mga negosyante, mas epektibong pagresponde sa pandemya at bagong mga imprastraktura.

Ipinanukala rin nina Defensor at Castelo ang limang porsiyentong tax discount sa lahat ng mga negosyo sa Quezon City.

AUTHOR PROFILE