Feeding

Feeding program ni Konsehal Hero marami ang nabibiyayaan

November 1, 2021 People's Tonight 69 views

ANG may maihahaing manit at masustansiyang pagkain sa pang-araw-araw ay esensyal na pangangailangan ng bawat indibidwal.

Gayunman, hindi lahat ay may kakayahang kumain ng masasarap o masusustansiyang pagkain kahit isang beses sa isang araw.

Para makatulong sa mga mahihirap na kababayan sa kanyang nasasakupang distrito, si Quezon City 4th District Councilor Hero Bautista ay nagsasagawa ng mass feeding program, na ipinamamahagi sa ilang daang indibidwal na pagsasaluhan ang umuusok na mangkok ng arroz caldo.

Ang pinakahuling feeding program, ay nakipag-partner din kay fellow councilor Marra Suntay. Sa naturang kaganapang idinaos sa Old Capitol Site, ang bumibisitang senior citizens ay binibigyan naman ng libreng flu vaccine shots habang ang mga bata ay pinagkakalooban ng libreng immunization shots.

Maliban sa feeding program, may inisyatiba din ang tanggapan ng konsehal sa distribusyon ng relief goods para sa may 20 pamilya na nasa ilalim ng special concern lockdown sa 92 Thomas Arguelles St.,Brgy. Doña Imelda.

Ang pamamahagi ay isinakatuparan sa suporta ni Kgd. Annabel “Baby” Martin at Purok Leader Marcos Magat.

AUTHOR PROFILE