Default Thumbnail

P320K na halaga ng tablets ninenok sa Batangas

July 27, 2024 Jojo C. Magsombol 287 views

NINAKAW ang 28 tablets na may total value na mahigit P320,000 na inisyu sa mga estudyante sa isang paaralan sa Brgy. Poblacion A, Rosario, Batangas, ayon sa report.

Nalaman ang pagkawala ng mga tablets sa tawag ni Nancy Vergara Austria ng Rosario Technical High School sa mga otoridad.

Sinabi ni Austria sa mga imbestigador na nalaman ang pagnanakaw bandang alas-9:00 ng umaga habang nagsasagawa sila ng Brigada Eskwela.

Nasa tatlong silid-aralan ang mga tablets at pinaniniwalaang dinala ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Base sa kanyang inventory, pitong Cherry Mobile tablets sa Grade 7 Love, 16 na tablets sa Grade 7 Hope at limang tablets sa Grade 8 Quezon ang ninakaw na may value na P320,600.

AUTHOR PROFILE