JV

Operasyon ng power grids bawiin — Sen. JV

April 24, 2024 PS Jun M. Sarmiento 94 views

IMINUNGKAHI ni Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito na bawiin na lamang ng gobyerno ang operasyon ng ating power grid dahil ito ang nakatutulong sa ating ekonomiya at mga tumatayang mga mamumuhunan gayundin sa mga consumers ng kuryente na totoong nagsasakripisyo lalo’t grabe ang init na dala ng panahon.

“We need a stable power supply. We need to re-acquire our national grid,” giit ni Ejercito.

Iminungkahi ni Ejercito ang tinatawag na “audit performance” na dapat gamitin ng gobyerno dahil hindi naisakatuparan ng kabilang partido ang pagsasaayos ng ating kuryente sa mahaba-haba ng panahon na ibinigay sa kanila at sapat na dahilan na ito para bawiin natin ito sa kanila.

“Kesa naman lutong Macao na lang ang nangyayari sa atin. Pwedeng ipasok ito sa ating Maharlika project. May sure profit ang bansa,” dagdag pa ni Ejercito kung saan ay iginiit niya na talo ang Pilipino sa pinagkasunduan na 40% sa ilalim ng China’s State Grid ang ating National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na siyang may karapatan na magpatakbo ng ating mga transmission sa buong bansa.

“Kung may nagawa man silang pagbabago ay kakaunti. Can you imagine na sabay-sabay na pagpalya ng mga power plant? Ano ito sinadya or nagkataon lang?” tanong ni Ejercito.

Sinisi din ni Ejercito ang Epira (Electric Power Industry Reform Act) Law na naipasa at naisagawa nuong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2001 at kilala rin bilang Rep. Act 9136, kung saan nga isinapribado ang generation, transmission at distribution at lahat ng supply ng power sector sabuong bansa.

“Itong EPIRA law na ito ay PINERA lang,” paghihimutok ni Ejercito na sinabayan niya ng pagpapaliwanag na 90% sa kita ng NGCP para lamang sa dividendo at 10% lang ang ilalaan sa imprastruktura.

“Ano na ang mangyayari para sa atin kung ganong kaliit lang yun? That is not the intention of our EPIRA Law. It supposed to accelerate investment in infrastructure. Kaya dapat lang ma audit ang performance ng mga ito,” pagdiriin ni Ejercito.

Pribadong pag aari na korporasyon ang NGCP na naitayo sa pamamagitan ng RA 9511 na sinamahan ng tatlong malalaking korporaasyon. Ito, ayon sa batas, ang naatasan lamang na mag operate, mag maintain at siyang tanging may karapatan mag develop ng pambansang power grid at siyang may kapangyarihan na mag transmit ng gigawatts ng libo libong voltahe sa mga kinakailangan na lugar.

Ani Ejercito, batid ng lahat ang kasalukuyan problema sa pagitan ng Pilipinas at China, at hindi maiaalis sa sinumang Pilipino ang mag isip ng posibilidad na baka isa itong pamamaraan ng China upang makaganti sa mga Pilipino dahil sa isyu ng West Philippine Sea.

“Twenty generating plants simultaneously? Papaano tayo makaka pag invite ng mga foreign investors? The administration must focus on power plant to ensure that we can accommodate the needs of our people. I am open to Nuclear Energy Development pero dapat prepared and may discipline tayo. Samahan din natin ng renewable and based load power plant,” paliwanag ni Ejercito.