Fuel

Oil price rollback posible next week

March 8, 2024 Edd Reyes 100 views

POSIBLENG mag rollback ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Malamang na umabot sa P0.50 hanggang P0.80 sentimos ang ibawas sa presyo ng gasolina, P0.20 hanggang P0.50 sentimos sa diesel at P0.20 hanggang P0.45 sentimos naman sa gaas o kerosina, ayon sa ilang sources.

Sa panayam kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Assistant Director Rodela Romero, maaari pang magbago ang tantiya sa halaga ng ibabawas dahil nakabatay sa huling araw ng pandaigdigang kalakalan ng langis ang rollback rate.

Ang inaasahang pagtatapyas ng bahagya sa halaga ng langis sa bansa ay bunsod ng inaasahang supply nito mula sa mga bansang hindi miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) at sa pabagu-bagong pagbaba ng dami ng produktong langis na inaangkat ng ilang malaki at makapangyarihang bansa.

Kaaraniwang nag-aanunsiyo ng pagbabago ng presyo sa halaga ng langis ang mga kompanya tuwing Lunes at ipatutupad tuwing Martes.

AUTHOR PROFILE