Timbog Binasahan ng mamdameyento de aresto ang akusado kaugnay sa kaso nito matapos matimbog ng mga operatiba ng MPD. Kuha ni JONJON C. REYES

Nursing attendant timbog sa child abuse

April 23, 2024 Jonjon Reyes 104 views

SWAK ang isang 26-anyos na lalaki na nursing attendant sa mga operatiba ng MPD District Special Operation Unit matapos isilbi ang warrant of arrest nito dahil sa child abuse sa mismong selda ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District Headquarters sa United Nations Avenue,Ermita Manila, Lunes ng tanghali.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Ace Baybayan, hepe ng DSOU ang suspek na si alyas David, binata, ng Sto. Cristo Street, Tondo, Manila.

Ayon kay Police Captain Robert Dato, team lider, bandang 12:40 p.m. nang isilbi ang arrest warrant sa suspek.

Ang warrant ay inisyu ni Judge Francisco Macapagal Beley, ng Family Court third Judicial, Branch 4, Malolos Bulacan na may petsang April 1, 2024.laban sa akusado,.

Ayon sa korte, ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act (Anti Child Abuse Law) (RA 7610) Lascivious Conduct Punishable Under Section 5(B) ng RA 7610

Iniutos ng korte na maglaan ng piyansang P200,000 para sa pansamantalanh paglaya ng suspek..

AUTHOR PROFILE