Default Thumbnail

NPA na ‘lola’, sumuko sa Ecija

June 6, 2023 Steve A. Gosuico 328 views

CABANATUAN CITY – Pinadali ng Nueva Ecija 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) na nakabase sa lungsod na ito ang boluntaryong pagsuko ng isang babaeng militia na miyembro ng New People’s Army (NPA) nitong Lunes, Hunyo 5.

Sa ulat kay Col. Richard V. Caballero, provincial police top cop, sinabi ni 1st PMFC head Lt. Col. Robert D. Agustin na ang sumukong miyembro ng Milisyang Bayan ay isang 69-anyos na babae, ng Barangay Eustacio, Aliaga, Nueva Ecija.

Siya ay dating miyembro na kasapi sa grupo ng rebelde sa ilalim ng Larangang Gerilya sa Patag Uno ng Nicomedes Ortiz Command (Peter/Dagohoy).

Isinuko din ng nasabing personalidad sa mga awtoridad sa tanggapan ng 1st PMFC ang isang cal. 38 service firearm na may dalawang bala.

Sinabi ni Agustin na naging posible ang matagumpay na operational accomplishment sa tulong ng iba pang police units kabilang ang Provincial Intelligence Unit-NEPPO, Cabanatuan City police, police stations sa Gapan City, Palayan, San Leonardo, Laur, Llanera, Gabaldon, Cabiao, General Tinio, Gen. Natividad, Jaen, Santa Rosa, San Isidro, Peñaranda, Bongabon, San Antonio, Aliaga, at Zaragoza, RIU 3, CIDG PFU NE, IOS RID 3, NICA3, NEPECU, 91st IB PA at 703rd Brigade PA.

Dagdag ni Agustin na ang subject personality ay nasa kustodiya na ngayon ng 1st PMFC para sa tamang dokumentasyon at tactical interview upang makakalap ng mahahalagang impormasyon na magagamit para sa mga susunod na operasyon ng pulisya at militar.

AUTHOR PROFILE