Default Thumbnail

3 huli sa pagbiyahe ng 700 kalapati

June 6, 2023 Christian D. Supnad 235 views

TAGUDIN, Ilocos Sur – Dahil sa iligal na pagbibiyahe ng 700 kalapati na nagkakahalaga ng P210,000, tatlo katao ang hinuli dito nitong Linggo.

Ayon sa police report, hinuli ng mga personnel ng Tagudin Animal Quarantine, Barangay Bio, Tagudin, at police ang mga suspek dahil sa paglabag sa Provincial Ordinance No. 15-06 Series 2015.

Sa kanyang report, kinilala ni Col Marlo Castillo, police director, ang mga suspek na inaresto ay pawang mga residente ng Tarlac.

Sinabi ng police na ang mga suspek ay nahuli sa checkpoint ng personnel ng Tagudin Animal Quarantine matapos dumaan ang Isuzu drop side truck na may kargang 700 kalapati.

Ang driver at ang helper sy nabigong magpakita ng permit at agad inaresto dahil sa nasabing paglabag.

Ang mga suspek at mga kalapati ay nasa custody ng Tagudin Animal Quarantine, Bgy. Bio, Tagudin, Ilocos Sur bago ito i-turnover sa Provincial Veterinary Office, Vigan City, Ilocos Sur.