MWP no,1 mwp arestado.. Kinakausap ni Police Major.Rommel Reyes Purisima (kanan) hepe ng DSOU ng MPD ang suspek na may kasong murder at nasa number 1 most wanted person sa District level,.matapos na maaresto ito sa Quiapo Manila..Photo by:Jon-Jon Reyes

No.1 MWP sa (district level) arestado sa kasong murder

December 2, 2022 Jonjon Reyes 483 views

DAHIL sa isang Viral Video na pilit binubuksan ng isang lalaki ang pintuan hangang sa madistrongka at nagkaroon ng mainitang pagtatalo at sigawan mula sa isang babae,noong agosto 11,2022 isang kelot ang inaresto ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng MPD,dahil sa kasong Murder at nasa listahan ng number 1 Most Wanted Person sa District Level.

“GOOD Job”ito ang pahayag ni Manila Police District Director Police Brigadier General Andre P. Dizon sa mga tauhan ng District Special Operation Unit, dahil sa mabilis na pag aresto sa isang 27 anyos na binata, makaraang masaksak at mapatay nito ang kanyang karibal sa pag ibig noong Agosto 11, 2022 sa Manggahan Pasig City.

Kinilala ni Police Major Rommel Reyes Purisima ang suspek na si Paulo, alyas ” Botchok” 27 anyos binata, jobless at residente ng Pasaje Del Carmen St.Barangay 388 Zone 39 , Quiapo Manila.

Batay sa ulat ni PMaj. Purisima , hepe ng DSOU ,pasado alas 10:30 ng gabi nitong huwebes ,nang mamataan ang suspek sa panulukan ng Concepcion Aguila St at Nepumuceno Street sa Brgy.388 Zone 39 sa Quiapo.

Kabilang din ang suspek sa number 1 sa listahan ng Most Wanted Person ng District Level , makaraang masaksak nito ang kanyang karibal at mamatay noong agosto may apat na buwan nang nakalipas ng maganap ang nasabing insidente.

Sa panayam ng suspek , hindi umano niya akalain na mapupuruhan niya at mapatay nito ang biktima sa bahay ng dati nitong kinakasama.

Sa hita ko lang siya sinaksak maaring may natamaan na ugat at naubusan ng dugo yun ang ikinamatay niya paliwanag ng suspek.

Dahil dito, nag isyu ng arrest warrant si Hon Annielyn Medes Cabelis , Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 167 , Pasig City na may petsang Oktubre 17, 2022 at walang piyansa ang inilaan sa suspek.

Dito na iniutos ni Police Colonel Samuel Pabonita, Chief ng District Investigation Division, kasama si Police Major Danilo Malab Jr. sa direktiba ni MPD Director Police Brig.General Andre P. Dizon kay Major Purisima ang pag aresto sa suspek,.

AUTHOR PROFILE